Chapter 59

93 7 0
                                    

Nathan's POV

Friday ngayon, at ngayong araw ay day off ko sa coffee shop kaya pwede na kong maaga umuwi.

"Pre, uwi ka na ba?" Tanong sakin ni Andrei, uwian na kasi namin ngayon.

"Oo, day off ko ngayon kaya kailangan ko magpahinga eh" sagot ko at nginitian sya.

"Ah sige pre, una na kami" sabi nya sakin at tinapik ako sa balikat pagkatapos ay nagpaalam na.

Pagkaligpit ko ng gamit ko, dumeretcho na ko sa parking lot para syempre hintayin si Charlotte.

Ilang minuto na ang nakalipas ay hanggang ngayon ay hindi pa sya dumarating kaya hindi na ko mapakali.

Hindi nanaman ba sya susulpot? Tsk!

Habang naghihintay, nakita ko naman si Tamara sa di kalayuan kaya naisipan kong tanungin sya.
Luminga linga muna ko sa paligid kung may mga ibang estudyante, nang makita kong wala nang masyadong estudyante ay mabagal akong tumakbo papunta sakanya.

"Tamara" mahinang tawag ko sakanya kaya napatigil sya sa paglalakad at napatingin sakin.

Luminga linga din sya sa paligid bago ako kausapin.

"Nathan, bakit? May kailangan ka?" Tanong nya sakin ng makita nyang walang gaanong estudyante sa paligid.

"Itatanong ko lang sana kung nasan si Charlotte, wala pa kasi sya eh" sabi ko at napahimas sa batok ko dahil nahihiya ako.

"Ah si lotti, darating na yun, kinausap pa kasi sya ni mam kanina, may ipapagawa ata sakanya, tapos sabi nya kakausapin nya pa yung coach nya kaya natagalan sya, hintayin mo na lang, darating na yun" sabi nya at nginitian ako.

"Sige salamat Tamara" sabi ko at nginitian sya.

Tinanguan naman nya ko at pumunta na sa kotse nya.

Pero bago sya pumasok sa sasakyan, may naalala akong sabihin sakanya kaya tinawag ko sya.

"Ah Tamara" tawag ko ulit sakanya kaya napalingon sya sakin.

"Salamat nung nakaraang araw" sabi ko at nginitian sya.

Ngayon ko lang kasi sya nakausap ulit dahil nga hindi naman kasi ganun kadaling kausapin sila dahil nga sikat sila dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ngayon ko lang kasi sya nakausap ulit dahil nga hindi naman kasi ganun kadaling kausapin sila dahil nga sikat sila dito.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon