Chapter 91

110 7 8
                                    

A/N: iplay nyo lang po yung vid sa multimedia kung gusto nyo, para habang binabasa nyo tong chap may background music kayo haha geh basa na po ulit.
----

Charlotte's POV

"Oh, are you okay our princess?" Bungad agad na tanong sakin ni dad pagbaba at pagpunta ko pa lang sa dining namin.

"Sobrang pula ng mukha mo, may nangyari ba?" Tanong din ni mom pagkaupo ko sa upuan para sabayan sila kumain.

Damn it... Ayaw pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kanina...

"I-I'm ok, nainitan lang ako" sabi ko sakanila at tinuon na ang pansin ko sa food sa table.

Pilit ko pa rin kinakalma yung sarili ko sa loob loob ko dahil sa kahihiyan na nangyari samin ni Nathan kanina..

Pero naisip ko, wala na kasi talagang way para matago sya that time kay mom, kung hindi ko ginawa yun, baka kanina pa sya nakita ng parents ko and I'm sure they'll be mad at me at kay Nathan..

"Nainitan? Bakit mahina na ba aircon sa room mo?" Tanong ni dad kaya napatigil ako sa pagkain.

"Hindi naman dad, hindi kasi ako nagbukas ng aircon kanina... P-para makatipid?" Nasabi ko na lang na palusot.

The hell Charlotte?! Anong klaseng palusot yun hays...

I'm really not good at lying....

Agad naman akong napatingin kay mom at dad kung anong magiging reaction nila sa sinabi ko.

Nakatitig lang sila at nakakunot ang noo sakin.

Ok.. I'm really dead...

Pero maya maya, bigla na lang sila nagtawanan at ginulo pa ni dad yung buhok ko dahil nasa gilid nya lang ako.

Tinignan ko lang sila ng may pagtataka dahil mukhang natuwa pa ata sila sa palusot ko.

"Really strawberry princess? You did that? Ang bait bait talaga ng anak natin, akalain mong naisip pa nyang magtipid ng kuryente?" Masayang sabi ni dad at ginulo ulit ang short hair ko.

Seriously? Naniwala sila sa palusot ko? Well mabuti na lang...

"Princess, you don't need to do that, may sapat na money naman tayo para magbayad ng bills, look, nainitan ka pa tuloy" nag aalalang sabi naman ni mom sakin.

Agad naman akong napangiwi at napaiwas ng tingin.

Sana nga ganun na lang yung nangyari sakin kanina mom....

Nginitian ko na lang sila at nagstart na ulit kumain.

I can't believe na naniwala sila sa sinabi ko... Medyo slow rin pala ang parents ko minsan....

Tinignan ko naman sila habang kumakain.

They're really happy while eating our dinner... I.. Really miss them so much...

"I'm.. Happy that you came home..." Nasabi ko na lang sakanila kaya agad silang napatigil at napatingin sakin.

"Kami din princess, masaya kaming umuwi at makita ang good daughter namin" sabi ni dad kaya napangiti na lang ako.

"We're sorry kung ngayon lang kami nakauwi, sobrang busy lang talaga namin sa work" malungkot na sabi ni mom kaya umiling ako at ngumiti.

"It's okay mom, I understand, hindi naman ako galit or nagtatampo sainyo" sabi ko at sumubo sa pagkain ko.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon