Chapter 79

97 8 2
                                    

Nathan's POV

Pagkatapos ko ayusin ang sarili ko ay bumaba na ko para kumain.

"Good morning po sir Nathan" bati sakin ng isa sa maid ni Charlotte kaya nginitian ko sya at binati rin.

Nagpalinga linga ako kasi hindi ko nakita si Charlotte.

Lagi kasi kaming sabay kumain at pumasok.

"Si Charlotte ate?" Tanong ko sa maid ng hindi ko sya makita.

"Kakatapos nya na lang kumain eh, sabi nya hihintayin nya na lang daw kayo sa kotse nya" sabi nya at ngumiti sakin.

Ha?! Pinaghihintay ko pala sya!

Nagmadali naman ako umupo at kumain dahil ayokong pinaghihintay si Charlotte... Mahirap na at kapag nainis yun, kuryentihin nanaman ako ng di oras hays!

"Sir Nathan hinay hinay lang" rinig kong sabi ng maid sakin.

"Ok lang ako ate, mash shindi margiging ok kung paghihirtayirn ko shi Charlotte eh" sabi ko sakanya habang puno ng pagkain yung bibig ko.

Narinig ko namang natawa yung maid sakin at hinagod hagod yung likod ko.

Hinayaan ko na lang sya at nagpatuloy na lang kumain.

Nang matapos ako dali dali kong nilagay yung plato ko sa lababo at nagtoothbrush na rin.

Matapos ko magtoothbrush, nagpaalam na ko sa maid ni Charlotte at tumakbo na palabas.

Hays! Bakit kasi hindi ako hinintay ni Charlotte eh! Hindi pa naman kami late pero nauna ng kumain tss...

Pumasok naman ako sa kotse ni Charlotte habang hinihingal pa.

Nadatnan ko sya nakapangalumbaba habang nakapatong yung siko nya sa kotse at mukhang bored na bored na habang nakatingin sakin pagpasok ko.

Kinilabutan tuloy ako sa pagtitig nya... Ewan ko ba dahil sa coldness ng titig nya o dahil sa ganda nya lang.....

"P-pasensya na Charlotte, kumain pa kasi ako hehe.." sabi ko na lang at napakamot sa ulo ko.

Tumango lang sya at inistart na ang engine ng kotse.

"Yah, nga pala Charlotte, bakit hindi mo ko hinintay kanina kumain? Di pa naman tayo late ah" tanong ko sakanya habang nagmamaneho sya.

"I just want to" sagot nya habang nakatingin pa rin sa daan.

Natahimik naman ako bigla.

Napansin ko naman yung malaking sports bag nya sa backseat.

"May practice ka mamaya Charlotte?" Tanong ko kaya tumango lang sya.

Napatango na lang din ako at umiwas na ng tingin sakanya.

Bakit pakiramdam ko, nagbago nanaman si Charlotte?.....

Kung dati ang cold nya lang, ngayon yelo na yata sya sa sobrang cold ng pakikitungo nya sakin...

May nagawa ba ko?.....

Teka, alam nya na kaya yung tungkol kay Steffanie?!

Napatingin naman ulit ako sakanya na busy pa rin magdrive ngayon.

Mukha namang hindi kasi dapat binanggit nya na sakin yun kahapon pa lang eh...

Hindi kaya, hindi nya nagustuhan yung biglaang pagyakap ko sakanya nung nasa Opal High kami?

Hays! Bakit kasi nagawa ko yun kainis talaga!

Siguro nga yun yung dahilan kasi yun lang naman yung nangyari bago sya naging yelo sa pagkacold nya sakin eh....

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon