Chapter 51

106 5 3
                                    

A/N: iplay nyo lang po yung vid sa multimedia kung gusto nyo, para habang binabasa nyo tong chap may background music kayo haha geh basa na po ulit.
----
Nathan's POV

Pagkatapos nila magwarm up,  ay nagsimula na sila magposition para tumakbo kaya nagsigawan na ang mga audience.

Parang ang intense na ng nangyayari kahit practice lang naman ang gagawin nila.

READY!...

SET!...

GO!...

Paputok palang ng baril ay nagsimula ng tumakbo sina Charlotte pati na rin yung Steffanie.

GO CHARLOTTE!!!!

Rinig naming cheer ng mga audience kay Charlotte.

GO STEFFANIE!!!!

Oo nga pala, nandito rin pala yung mga taga Ruby High para magcheer kay Steffanie.

Tinapik naman ako ni Dwayne bigla.

"Pre, icheer natin si Charlotte para mas malakas cheer natin" sabi sakin ni Dwayne at nagsimula na silang magcheer kay Charlotte na tumatakbo ngayon.

Halos dikit lang silang dalawa habang tumatakbo sila, parang di mo talaga malalaman kung sino mananalo sakanila.

Tahimik lang akong habang pinapanood ang laban este-practice pala nila, ayoko kasi magcheer dahil inis pa rin ako kay Charlotte dahil ginugulo nya utak ko, at isa pa, practice lang naman to.

Parang pareho lang ang bilis nila, nakakailang laps na sila pero ang bilis pa rin nila pareho.

Parang walang gustong magpatalo sakanila.

Grabe mukhang magaling talaga yung Steffanie, sya palang kasi ang nakita kong nakakasabay sa pagtakbo ni Charlotte eh.

Malapit na sila sa finish line....

GO CHARLOTTE!!!!
GO STEFFANIE!!!!

Sabay na cheer ng audience sakanilang dalawa.

Malapit na sila....

Sino kaya mauuna?....

Ayan na.....

At ang nauna ay...
.
  
.

.
....Teka sabay lang sila nauna??!!...

Mukhang natigilan din ang lahat ng makita nilang halos sabay lang nakaabot ng finish line sina Charlotte at si Steffanie.

"Wait, sino nanalo sakanila sa practice? Parang pareho lang sila nauna eh" sabi ni Andrei na mukhang naguguluhan din ngayon.

Mukhang maraming nag aantay ng announcement kung sino ba talaga ang nauna sa finish line.

'Dahil parehong nauna sa finish line sina Charlotte Son at Steffanie Hwang.......'

'....Ay considered na tie ang laban!..dahil isa lamang po itong practice!'

Rinig naming sabi ng announcer.
Ano?!! Ganun ganun na lang yun?! Hindi man lang nila ipapakita kung sino talaga ang naunang tumapak sa finish line?!
Mukhang marami din ang  disappointed sa nangyaring announcement ngayon.

Magrereklamo pa sana ako ng pigilan ako nila Mike.

"Wag na Nathan, hindi talaga nila sasabihin kung sino talaga ang nanalo at kinonsider na lang na tie ang laban nila dahil tulad nga ng sabi ng announcer, practice lang naman ang ginawa nila" sabi ni Dwayne sakin.

"Kumbaga, pinaexcite lang nila tayo sa darating na competition nila, dahil dun na talaga nila iaannounce kung sino ba talaga ang totoong mananalo" dugtong naman ni Mike.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon