Chapter 54

95 6 15
                                    

Nathan's POV

"Paalis na sila" sabi ni Tamara kaya napatingin ako sakanya.

Bigla ko naman sinuot yung face mask ko habang ngumunguya dahil dadaan sila sa table namin.

"Tara bilisan na natin" sabi ni Tamara kaya bilisan ko na kumain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tara bilisan na natin" sabi ni Tamara kaya bilisan ko na kumain.
----
Jared's POV

Pagkalabas namin ng restaurant ay parang may bigla akong napansin.

Pero nagkibit balikat na lang ako, siguro marami na talagang weirdo dito, tulad nung nadaanan namin ng Charlotte ko sa kabilang table kanina.

Paano naman kasi, ang laki ng shades na suot nung babae, tapos yung lalaki naman nakaface mask habang kumakain.

Saan ka naman nakakita ng ganun? Hayaan na nga lang.

"May pupuntahan pa ba tayo?" Biglang tanong ng Charlotte ko kaya natigil ako sa pag iisip.

"Yup, tara na" sabi ko at nagcling sa braso nya.

Namiss kong gawin ulit to ah.

Sanay na kasi si Charlotte ko na clingy ako kaya hindi na sya nagrereklamo, hindi lang ako pwede maging clingy sa school dahil nga pag uusapan kami.

"Saan ba tayo pupunta?" Rinig kong sabi nya kaya tinignan ko sya.

"Basta hehe" sabi ko kaya napakunot yung noo nya.

"Malapit lang naman yun dito konti lakad lang naman" dugtong ko at nginitian sya.

Hindi naman na sya nagsalita kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.
----
Nathan's POV

Matapos naming magmadaling kumain na buti na lang walang nabulunan samin, ay nagpatuloy na ulit kaming sundan sina Charlotte.

Napakunot na lang talaga yung noo ko habang sinusundan silang dalawa.

Kailangan ba talagang nakakapit sa braso ang Jared na yun? Tsk!

Ang sarap talaga nilang paghiwalaying dalawa eh.

Hinagod hagod naman bigla ni Tamara yung likod ko kaya nakakunot noong tinignan ko sya.

"Baka kasi sugurin mo na sila sa itsura mo kaya pinapakalma lang kita" sabi nya at mapang asar na nginitian ako.

"O-ok lang ako ah, b-bakit ko naman sila susugurin? Tara na nga baka lumayo sila eh" sabi ko at nauna ng maglakad.

Saan naman kaya sila ngayon pupunta?
----
Jared's POV

Ilang minuto rin ang lumipas ng makarating na kami sa pupuntahan namin.

Huminto naman bigla si Charlotte ko kaya napatigil din ako bigla.

"Dyan tayo pupunta?" Sabi nya ng nakatingin pa rin sa pupuntahan namin na mukhang hindi makapaniwala.

"Bakit may masama ba kung bakit dyan tayo pupunta?" Balik tanong ko naman sakanya at nginisihan sya.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon