Chapter 80

107 6 3
                                    

A/N: iplay nyo lang po yung vid sa multimedia kung gusto nyo, para habang binabasa nyo tong chap may background music kayo haha geh basa na po ulit.
----
Third Person's POV

Nang makarating sina Charlotte at Tamara sa coffee shop kung nasaan sina Nathan at Steffanie, ay pinagpark ni Tamara ang driver nya sa gilid di kalayuan sa coffee shop.

Pagkababa nila, papasok na agad sana si Charlotte sa coffee shop ng pigilan sya ni Tamara.

"Put this on first" sabi ni Tamara sabay abot kay Charlotte ng shades.

Kumunot naman ang noo ni Charlotte pero sinuot na rin naman nya ang binigay na shades sakanya ni Tamara.

"Ikaw?" Tanong ni Charlotte kay Tamara matapos nya maisuot ang shades

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ikaw?" Tanong ni Charlotte kay Tamara matapos nya maisuot ang shades.

"Ok na, nakacap at nakahood ako kaya medyo di ako mapapansin" sagot ni Tamara kaya napatango na lang si Charlotte.

Nang makapasok na sila sa loob ng coffee shop, hinanap agad nila sina Nathan kung nasan sila nakaupo.

Mabuti na lang at walang gaanong tao sa loob ng coffee shop kaya nakita agad nila si Steffanie na masayang nakikipagkwentuhan kay Nathan sa dulo ng coffee shop.

Biglang nag init yung ulo ni Charlotte sa nakita nya pero agad na pinakalma ang sarili.

"Dun tayo umupo" rinig nya na sabi ni Tamara.

Umupo sila sa di kalayuang table kina Steffanie, na makikita at medyo maririnig nila ang ginagawa at pag uusapan nila Steffanie.

Nang abutan sila ng menu ng waitress, agad nila itong tinaas para mapantakip sa mukha nila.

----

Nathan's POV

Nang hilahin ako at pasakayin ni Steffanie sa kotse nya kanina ay dinala nya ko dito sa ibang coffee shop.

"Bakit ka pumunta sa Amethyst High at bakit mo rin ako dinala dito Steffanie?" Tanong ko sakanya matapos namin makaupo.

May bigla namang nag abot samin ng menu kaya di sya nakasagot agad.

"Is it obvious? Pumunta ako sa Amethyst High because of you, at dinala kita dito para magpasalamat sa ginawa mo saking pagsagip kahapon" sabi nya habang nakatingin sa menu at tinignan ako ng nakangiti.

Napabuntong hininga na lang ako.

Lagot ako nito bukas...

Ang daming nakakita samin na mga estudyante kanina.... Pag uusapan na kami nito, kanina pa nga lang grabe na makapagreact samin yung mga estudyante eh... Kung sabagay, sikat din si Steffanie tulad nila Charlotte....

Paano na lang pag nalaman ni Charlotte ang tungkol dito? Nako patay na talaga ako hays!

Bakit ba kasi ako nalalapit sa mga sikat sa mga school tss....

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon