Chapter 88

103 7 4
                                    

A/N: iplay nyo lang po yung vid sa multimedia kung gusto nyo, para habang binabasa nyo tong chap may background music kayo haha geh basa na po ulit.
----

Steffanie's POV

"Nice job ms. Steff, you're plan worked... Kitang kita ko yung itsura ni Charlotte matapos nya makitang hinalikan mo si Nathan, for sure nasaktan sya... Ngayon sigurado na kong may gusto rin si Charlotte kay Nathan...." Rinig kong pumapalakpak na sabi ni Ynna habang ako dito nanatiling nakaupo lang sa sahig dahil nga sa pagtulak sakin ni Nathan kanina.

Actually kanina pa si Ynna nandidito sa rooftop, para makita yung nangyari kanina, sya kasi yung inutusan kong maglagay ng note sa locker ni Charlotte na pumunta dito sa rooftop at magpretend na galing ang note na yun kay Nathan.

To be honest, nasaktan ako...hindi dahil sa pagtulak sakin ni Nathan kanina... Kundi dahil sa nagalit na sya sakin... At dahil na rin dun sa nakita kong itsura ni Charlotte nang makita nyang hinalikan ko si Nathan kanina... I know she got hurt a lot....

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove on kanina ng magalit sakin si Nathan... At masaktan kanina si Charlotte... I don't know but I feel guilty....

Hindi ba dapat akong matuwa dahil ito naman talaga yung gusto ko nung una pa lang pero bakit nasasaktan din ako sa ginawa ko?...

Naramdaman ko na lang na bigla na lang tumulo yung luha ko... Kasi narealize kong nagkamali ako.... Na nasasaktan ako ngayon kasi for sure sobrang laki na ng galit sakin ni Nathan dahil sa ginawa ko....

I've wasted our friendship because of my selfishness... Sinira ko yung nabuong pagkakaibigan namin ni Nathan dahil sa tanga ako..... Kasi iniisip ko lang yung sarili ko...

Wala na.... Our friendship is really over now.... Dahil huli ko na lang narealize na mali ako... Na tanga ako kasi mas prinaoritize ko yung masamang plano ko kesa sa kaibigan ko....

Nakita ko namang may naglahad ng kamay sakin, pero hindi ko na lang ito pinansin... Because I know it's just Ynna..

"Ano ng susunod na gagawin natin ms. Steff, para masira na ng tuluyan si Charlotte Son?" Rinig kong sabi nya habang nakalahad pa rin ang kamay nya sakin.

"I think.... We should stop now... Tama na.... Tama na to Ynna..." Sagot ko at tumingala na sakanya at tinignan sya ng paseryoso.

Agad namang kumunot yung noo nya at halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Dahan dahan naman akong tumayo habang nakatingin pa rin sakanya sabay punas ng luha ko.

"P-pero.. Bakit ms. Steff? We're so near to destroy that Charlotte Son! Ni hindi pa nga natin alam kung anong meron sakanilang dalawa ni Nathan eh! Tapos bigla mong sasabihin na tama na?! Na we should stop?! Bakit bigla ka na lang sumuko Steffanie? Bakit?" Inis na sabi nya sakin at halatang gulat pa rin sa decision ko.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon