Chapter 73

86 7 0
                                    

Tamara's POV

Habang tumatakbo ang laban namin,
Lumamang na yung Pearl High samin ng 2points, at 1point na lang, mananalo na sila.

Hindi pwede, nakasalalay dito ang school, ang image ko, pati na rin mga mga taong sumusuporta samin ngayon.

We need to win these game...

"GO TAMARA KAYA MO YAN!!"

napatingin ako dun sa mga audiences at napangiti, kakayanin ko to..

Pero kasi naman eh, itong partner ko, ang bagal pumindot ng buzzer namin kaya kahit alam ko yung answer sa tanong ng mc, hindi kami makasagot dahil nahuhuli kami sa pagpindot.

Tinignan ko naman yung partner kong lalaki, mukhang hanggang ngayon kinakabahan pa rin sya kaya hindi sya makapagfocus.

"Ok ka lang?" Tanong ko dahil hanggang ngayon mukhang kabado pa rin ang isang to eh.

Tumango naman sya at hindi na tumingin sakin.

----
Nathan's POV

"Pigilan nyo ko mga pre, hahambalusin ko na yang partner ni Tamara eh, hayuf ang bagal pumindot ng buzzer, baka yan pa maging dahilan ng pagkatalo natin eh!" inis na inis na sabi ni Andrei.

"Kapag ako di nakapagpigil, ako papalit dyan sa pwesto ng lalaking yan eh" sabi naman ni Dwayne.

Hindi ko na lang pinansin yung mga sinasabi nila Andrei at nagfocus na lang sa panonood kina Tamara.

Pero tama sila, kapag nagtuloy tuloy pa ang kabagalan ng lalaking classmate ni Tamara, baka matalo sila..

----
Tamara's POV

Kailangan kong pakalmahin tong lalaking classmate ko, dahil mukhang hanggang ngayon kinakabahan pa rin sya.

"Ok next question..." Sabi na ng mc kaya nagready na ulit kami.

Kailangan talaga maunahan namin sila dahil ayoko ng lumaki ang lamang ng Pearl High samin.

'In which decade was the Oral Roberts University founded at Tulsa?'

Hinawakan ko naman agad ang kamay ng partner ko kaya napapindot agad sya sa buzzer.

Hindi ko ineexpect yun, ang bilis nya pumindot siguro dahil sa gulat sa biglaan kong paghawak sa kamay nya.

"Yes Amethyst High?" Tanong samin ng mc.

"1960s" sagot ko.

"1960s?....... Correct!" Sabi ng mc kaya nagcheer ulit yung mga audiences.

Napatingin naman ako ulit sa partner ko at binitawan na yung kamay nya.

"Dapat pala, hinahawakan ko pa yang kamay mo para bumilis ka sa pagpindot ng buzzer eh" natatawang sabi ko sakanya habang sya, namumula nanaman.

Mabuti na lang at walang nakapansin sa paghawak ko ng kamay nya dahil nakaharang ang buzzer namin.

Sure kasi ako, baka abangan na sa labas tong lalaking to ng mga fans namin ni lotti.

"Ok, humahabol na ang Amethyst High, pero lamang pa rin ang Pearl High ng 1point, mananalo na kaya ang Pearl High?" sabi ng mc.

"I'm not gonna let that happen..." Nasabi ko na lang sa isip ko.

"Next question..." Sabi ulit ng mc kaya nagkinig na ulit kami mabuti.

'Vehicles from which country use the international registration letters WG?'

Hinawakan ko naman ulit sa kamay yung partner ko kaya napapindot ulit sya sa gulat.

No choice eh, ang bagal nya kasi....

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon