Chapter 13

152 7 0
                                    


Charlotte's POV

Nang makarating na sya sa coffee shop ay sunod naman ako pumasok, kapag kasi sabay kami pumasok, baka kung ano isipin ng mga katrabaho nya kaya nagpahuli ako pumasok.

Mukhang marami sila ngayong mga customers, kaya nakita kong abala ang ibang mga katrabaho ni Nathan.

Buti kahit papaano, ay nakahanap agad ako ng upuan, kaya agad akong umupo sa may tabi ng bintana.

"Ehem..Anong order mo Char- ay este a-anong order nyo po ma'am?" Rinig kong may nagsalita pero alam ko naman si Nathan yun kahit di ako nakatingin, nakatingin lang kasi ako sa menu na binigay nya.

Di ko na lang pinansin yung pagkakamali nya at umorder na.

"Isang strawberry shake at strawberry cake" sabi ko ng nakatingin pa rin sa menu.

Di talaga halata na favorite ko ang strawberry flavors no?

Di kasi ako mahilig sa chocolates, bata pa lang ako nakahiligan ko na ang strawberry, lagi kasing pasalubong sakin yun ng parents ko kapag bumibisita sila sa bahay, kaso nitong mga nakaraang buwan masyado na silang busy sa business nila sa states kaya di na sila nakakauwi.

Pero paminsan minsan tinatawagan nila ako para kamustahin, kaya minsan kumakain ako ng mga pagkain na may kinalaman sa strawberries, para hindi ko sila mamiss ng sobra.

Nang makuha na ni Nathan ang order ko ay umalis sya agad para makuha na nya at maibigay na sakin.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ulit sya para ibigay na ang order ko.

"Ito na po ma'am" walang gana nyang sabi, mukhang inis ata sya.

Pagkasabi nya nun ay tinalikuran na nya ko at inasikaso na ang ibang customers.

Gusto ko sana magthank you sakanya sa ginawa nya sakin kanina pero hahanap na lang ako ng timing, busy pa kasi sya.

----

Makalipas ang ilang minuto, ay naubos ko na ang inorder ko.

Napansin ko rin na medyo nabawasan na kahit konti ang mga tao rito sa coffee shop, kaya kahit papaano ay di na gaano busy sila Nathan.

Nang wala na kong magawa dahil tapos ko na ubusin ang inorder ko kanina ay naisipan kong ilabas ang sketch pad ko para magdrawing.

Siguro mga ilang minuto rin akong nagdradrawing ngayon.

Masyado kasi akong nakafocus sa dinodrawing ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Masyado kasi akong nakafocus sa dinodrawing ko.

Pero ilang sandali lang ay bigla naman akong nakaramdam na may nagdadahan dahan sa likod ko.

Ewan ko ba pero malakas kasi ang instinct ko kapag may kakaiba.

Nang maramdaman ko may nasa likod ko ay nagsalita ako.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon