Chapter 76

89 6 2
                                    

Jared's POV

"Oh, red ayos ka lang? Bakit parang natulala ka na dyan" tanong sakin ni Nick matapos ko pumuntang cr kanina.

Napakasama talaga sakin ng tadhana.

Bakit kasi sa dinami dami ng makikita ko kanina....

Bakit silang dalawa pa...

Bakit kasi ang ganda ng timing kong makita si Charlotte at Nathan na sobrang lapit sa isat isa at yakap pa ni Nathan si Charlotte.....

Oo, pinipilit ko na yung sarili kong hindi na sya tawaging 'Charlotte ko' dahil kailangan ko ng tanggapin na hindi na sya akin... Hindi na kami tulad ng dati nung mga bata palang kami...

Flashback

Matapos ng rehearsal namin, nagpaalam ako sa mga members ko ng magccr lang ako saglit.

Nang naglalakad na ko pabalik, nakita ko si Charlotte na mabilis tumatakbo kaya sinundan ko sya ng tingin.

"Bakit tuma-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng may biglang nagsitakbuhan ding mga lalaki papunta sa direksyon na dinaanan ni Charlotte.

Nagulat naman ako dahil mukhang kaya tumatakbo si Charlotte ay dahil hinahabol sya ng mga lalaking yun.

Mabilis rin naman ako tumakbo sa direksyon na tinakbuhan ni Charlotte kanina.

Luminga linga ako hanggang sa makita ko si Charlotte..... Na kasama si Nathan....

Nakayakap sakanya si Nathan.....

Bakit ang sakit?.......

Naninikip nanaman yung dibdib ko na parang hindi nanaman ako makahinga....

Hindi ko na lang namalayan na nakakuyom na yung kamay ko.

Sana hindi na lang ako nag alala sakanya... Para hindi ko sya hinabol.... Para hindi ko na lang sila nakitang dalawa....

Tammy..... Nasan ka?

Tammy..... Nasasaktan ako ngayon.....

Gustong gusto ko ngayong umiyak Tamara.....

Tumalikod na lang ako sakanila at naglakad na palayo.

Sana kaya ko rin mayakap ng ganun si Charlotte.....

Kaso kahit nga pag amin hindi ko magawa, ang mayakap pa kaya sya ng ganun?....

Pakiramdam ko pagod na pagod na kong masaktan na lang lagi....

Pero kahit pagod na kong masaktan, hindi pa rin masanay sanay yung puso ko na lagi na lang nadudurog..

Hindi pa rin nagsasawa yung puso ko na si Charlotte pa rin yung mahalin ko kahit na alam kong lagi na lang nya ko sinasaktan ng hindi nya alam...

Habang naglalakad, pakiramdam ko nawalan na ko sa sarili ko.

"Jared.." Narinig kong may tumawag sakin kaya napahinto ako sa paglalakad.

Mabagal akong lumingon kung saan may tumawag sakin.

Nakita ko si Tamara na nakalingon din sakin habang hawak nya yung cellphone nya.

Mukhang hindi ko pala namalayan na nalagpasan ko sya kaya siguro tinawag nya ko.

Naglakad sya palapit sakin habang nakakunot yung noo nya.

"Yah, bakit hindi ka namaman-" hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya ng bigla ko syang yakapin.

Naramdaman kong nagulat sya pero gusto ko lang talagang may dumamay sakin ngayon.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon