Last Special Chapter

124 4 2
                                    

°~Knowing Him/ Charthan~°

Third Person's POV

5 years ago

"What's their problem?" Nasabi na lang ni Charlotte habang naglalakad sila sa hallway ng bago nilang napasukan na school, ang Amethyst High.

"I don't know either may dumi ba tayo sa mukha?" Natanong naman ni Tamara sakanya sabay hawak sa mukha nya at ayos ng specs nya.

First day of school kasi nila bilang freshman sa Amethyst High, si Jared ang nakaisip na tatlo silang mag enroll sa nasabing school.

"Baka naman ngayon lang sila nakakita ng gwapo at magaganda" nakangising sabi naman ni Jared sakanila kaya napataas na lang ang kilay nila rito.

Kanina pa kasi sila pinagtitinginan ng mga students pagkapasok pa lang nila sa loob ng campus, at parang sila pa ngayon ang center of attraction.

"Nakakairita" sabi ni Charlotte at naglakad na lang ng diretcho at hindi na lang pinansin ang mga nakatingin sakanilang students, habang sina Tamara at Jared ay nagkatinginan na lang at sumabay na lang kay Charlotte sa paglalakad.

Nang nakarating sila sa board kung saan nakapaskil ang class schedule nila ay napatigil na lang sila sa dami ng tao na nagkukumpulan doon.

"Hintayin-" hindi na natuloy ni Tamara ang sasabihin nya nang biglang tumabi ang mga estudyante sa board nang makita silang tatlo na parang pinapadaan sila.

Nagkatinginan naman sila pero nagkibit balikat na lang at pumunta na lang sa board para makita ang schedule at class nila.

Natuwa naman sila nang makitang magkakaklase silang tatlo, pagkatapos ay umalis na para hanapin ang room nila.

°•°•°•°•°

Lumipas ang ilang araw na parang iba ang pakikitungo ng mga estudyante sakanila ng Amethyst High.

Para silang special students dahil pinagtitinginan sila kung nasaan man sila, kapag naman naglalakad sila sa hallway mabilis na tumatabi ang mga estudyante sakanila na parang sila ang may ari ng daan kahit hindi naman, kapag naman oorder sila sa cafeteria sila na agad ang pinapauna kahit wala silang sinasabi na paunahin sila.

Halos araw araw na ring nakakatanggap ng love letters sina Charlotte, Tamara at Jared sa mga kanya kanya nilang locker at minsan naman ay bigla bigla na lang itong binibigay sakanila habang naglalakad sila sa loob ng campus, marami na ring nagtangkang manligaw kina Charlotte at Tamara pero hinaharangan at tinatakot ito ni Jared.

Dahil dun, hindi mapigilang mainis ni Charlotte dahil sa treatment sakanila, pakiramdam nya kasi hindi sya normal na estudyante, yun lang naman ang gusto nyang mangyari, na tratuhin syang normal na estudyante at hindi na parang artista o kung ano man.

Hindi nya rin mapigilang mainis sa mga lalaking lumalapit sakanila, dahil sobra syang naiirita.

Habang si Tamara ay napapailing na lang sa trato sakanila, narealize nya kasing ganun ang trato sakanila nung una pa lang dahil sa mga maiitsura silang tatlo, oo tama nga ang unang sinabi ni Jared sakanila, ganun nga ang dahilan ng mga students nang makita sila, para kasing silang artista sa itsura nila, ganun ang tingin sakanila ng lahat ng students.

Si Jared naman, ay parang nasanay na sa trato sakanila araw araw kaya balewala na lang sakanya, naisip nya kasing maganda naman ang pakikitungo sakanila ng ibang students, mas mabuti namang ganun kesa ibully sila, yun ang nasa isip nya.

Mas lalo pa silang nakilala at sumikat ng sumali sila sa ibat ibang activities sa school.

Si Tamara ay sumali sa academic activities at pinanlaban agad sa ibang schools, dahil sakanya ay nanalo ang Amethyst High at nakilala sa larangan ng academics, si Jared naman ay nasali sa sikat na group na bulletproof dahil nakilala sya sa galing nya sa sayaw, habang si Charlotte naman ay sumali sa sports at pinanlaban agad sa ibang schools tulad ni Tamara kahit baguhan palang sya dahil nakitaan agad sya ng potential ng coach nila.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon