Chapter 83

119 7 15
                                    

A/N: iplay nyo lang po yung vid sa multimedia kung gusto nyo, para habang binabasa nyo tong chap may background music kayo haha geh basa na po ulit.
----

Nathan's POV

"What if.... Sabihin kong attracted ako sayo? Kikiligin ka na ba?" Rinig ko na sabi nya na nakapag pahinto ng isip ko.

Pakiramdam ko hindi ko madigest yung sinabi nya sakin eh...

T-TAMA BA YUNG NARINIG KO???!

Napatingin ako sakanya habang nanlalaki yung mata ko sa gulat sa sinabi nya habang nakanganga pa.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya....

Seryoso lang syang nakatingin sakin....

Pero maya maya......
.

.

.

.

.

.

.

.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" Bigla na lang syang humagalpak ng tawa na konti na lang parang hindi na sya makahinga.

Habang ako dito natulala na lang sakanya...

Hindi ko maprocess sa isip ko yung mga nangyayari ngayon...

"Hahahahahhahahah grabe ahahahah!" tawa pa rin nya na kulang na lang gumulong na sya dito sa loob ng kotse.

Nang makarecover na sya, huminga sya ng malalim at pinunasan yung luha nya dahil sa kakatawa kanina.

"Sorry, sobrang epic lang talaga ng mukha mo kanina Nathan, grabe tawa ko sayo mukha ka talagang ewan eh" sabi nya at natawa ng bahagya.

Kumunot naman yung noo ko ng marealize kong pinagtripan lang ako ni Tamara.

"Yah!! Hindi magandang joke yun! Alam mo bang halos hindi na ko makahinga sa sinabi mo ha?!" Inis na sabi ko sakanya habang sya natawa na lang sakin.

"Sorry, gusto ko lang makita reaction mo kapag sinabi kong attracted ako sayo... Ang epic pala ng magiging mukha mo" sabi nya at natawa ulit.

"Tss... Pareho talaga kayo ng bestfriend mo, mahilig ako pagtripan..." Nasabi ko na lang at tumingin na lang sa labas ng bintana.

"Kelan ka naman pinagtripan ni lotti?" Rinig kong tanong nya.

"Nung una palang diba? Kinuha nya ko dahil napagtripan nya ko" nasabi ko na lang ng hindi pa rin tumitingin kay Tamara.

Narinig ko naman syang napabuntong hininga at hindi na nagsalita pa.

----
Tamara's POV

Laughtrip talaga ako kanina kay Nathan dahil nakakatawa yung reaction nya sakin kanina.

Sayang hindi ko napicturan kanina haha!

Pero hindi ko matanggal sa isip ko yung sinabi nya sakin...

'Nung una palang diba? Kinuha nya ko dahil napagtripan nya ko'

Napabuntong hininga na lang ako bigla.

Ang complicated talaga nila...

Nako kung alam mo lang talaga ang dahilan kung bakit ka kinuha ng bestfriend ko Nathan Kim.... Kaso ayaw lang talaga sabihin ni lotti ang real reason kung bakit....

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon