Chapter 70

111 6 3
                                    

Nathan's POV

Lumipas ang ilang araw, hindi na gabing gabi umuuwi at medyo maaga umaalis si Charlotte.

Nagsasabay na kami mag breakfast tulad ng dati pero dahil nagprapractice pa rin sya hanggang ngayon hindi pa rin sya nakakapunta ulit sa coffee shop.

Pero ok na rin yun, atleast hindi na sya masyado nagpapakapagod ngayon.

Nung gabi na nakasama ko ulit si Charlotte nun pakiramdam ko sobrang saya ko..

Masaya ako dahil hindi na sya nagpapakapagod kakapractice.

"Mabuti naman po at hindi na kayo gabing gabi umuwi at medyo maaga umaalis para sa practice nyo ms. Son, nabawasan na po ang pangamba namin sainyo para sa kalusugan nyo" sabi ni manang kay Charlotte at nginitian ito habang kumakain.

Magkasabay kasi kami ngayon kumakain ng breakfast.

Napatigil naman sa pagkain si Charlotte at nagsalita.

"I'm sorry kung nag alala kayo sakin manang, don't worry narealize ko na mali ang sobra kong pagpractice kaya binawasan ko na..... May nagparealize kasi nun sakin....." Sabi nya at tinitigan ako.

Umiwas naman agad ako ng tingin at sumubo na lang sa pagkain ko.

Para kasing nalulunod ako sa mga mata nya pag tumitingin sya sakin....

"Ganun po ba ms. Son? Sino po yung taong yun?" Tanong naman ni manang.

Pakiramdam ko sobra ng namumula yung mukha ko ngayon...

Napatingin naman ako ulit kay Charlotte pero nagulat ako ng nakatingin pa rin sya sakin...

May balak ba syang lusawin ako dito??

Ngumiti naman sya bigla habang nakatingin pa rin sakin kaya nakita ko nanaman yung malalim nya dimples..

Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko....

"A good person.." Sabi nya at tinuon na ulit ang pansin sa pagkain nya.

Habang ako dito, natulala na lang sa kawalan.

Nananaginip ba ko ngayon?...

Nginitian nya ko na parang pinapahiwatig na ako yung good person na sinasabi nya...

Ngiti nya na minsan ko lang talaga makita.... Lalo na kapag para sakin yung ngiti at dimples na yun...

Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil ayaw kumalma ng puso ko...

Tama nga sina Mike nakakamatay nga ang ngiti ni Charlotte.....

"Sir Nathan ok lang po ba kayo?" Biglang rinig kong tanong ni manang kaya napatingin ako sakanya.

"A-ah, o-opo hehe" sabi ko na lang at kumain na lang ulit.

Ako nga ba yung dahilan kung bakit nakarealize sya?...

Ako nga ba yung dahilan kung bakit sya nandito ngayon at kasabay ko kumain?.....

Hay, Charlotte pls wag kang ganyan....

Hindi nanaman kasi makakalma tong puso ko ng dahil nanaman sayo eh...

Ayoko pa namang umasa...
----

"Wooooh! Excited na ko para bukas!" Sabi ni Dwayne kaya napatingin kami sakanya na mukhang excite na excite ngayon.

Uwian na namin ngayon kaya nagliligpit na kami ng gamit.

"Kaya nga eh, hindi na rin ako makapaghintay!" Sabi naman ni Mike na ngiting ngiti.

"Oo nga pala, bukas na ang competition nila Tamara at Charlotte laban sa ibang schools" sabi naman ni Andrei.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon