Chapter 66

97 7 0
                                    

A/N: iplay nyo lang po yung vid sa multimedia kung gusto nyo, para habang binabasa nyo tong chap may background music kayo haha geh basa na po ulit.
----
Nathan's POV

Two weeks na ang lumipas simula ng huling usap namin ni Charlotte.

Hindi na rin kami nagkikita madalas dahil ang aga na nya umalis ng bahay tapos gabing gabi naman sya uuwi galing school hayss..

Nag aalala na nga ako sakanya eh...

Busy na kasi sya sa practice nila sa darating na competition laban sa Opal High eh...

Napapansin ko kasing wala na syang masyadong pahinga nitong mga nakaraan...

Maaga sya aalis tapos gabi na sya uuwi.

Hindi ko nga alam kung umuuwi pa ba sya eh dahil hindi ko na talaga sya nakikita sa bahay.

Kaya madalas hindi na kami nakakapag usap, kahit magkita man lang dahil hindi ko sya palagi naaabutan....

Hindi ko talaga magets kung bakit kailangan nya pa magpractice ng sobra sobra eh magaling na nga sya...
Sya na nga #1 na pinakamagaling sa sports sa lahat ng schools eh...

Kung sabagay, naalala ko nga pala yung sinabi nila Mike, na humble nga pala si Charlotte..

Kasi naman nag aalala na talaga ako sakanya eh!

"Pre ayos ka lang?" Rinig kong sabi ni Dwayne kaya nabalik ako sa ulirat.

"H-huh? May sinasabi ba kayo?" Tanong ko at tinignan sila.

"Hindi ka kasi kumikibo dyan, di mo pa ginagalaw yung pagkain mo, may problema ka ba pre?" Tanong naman ni Andrei.

"Ah w-wala may naisip lang ako" sabi ko at nginitian sila.

Nagtinginan naman sila at nagkibit balikat na lang.

Nagpatuloy na lang ako kumain dahil nandito kami sa cafeteria ngayon, breaktime namin.

"Haay, dalawang linggo na nagprapractice si Charlotte para sa nalalapit na competition sa Opal High diba?" Biglang sabi ni Mike kaya napatigil ako sa pagsubo sa pagkain ko at napatingin kay Mike.

"Oo nga eh, seryoso kasi talaga yung practice nila ngayon kaya bawal tayo manood sa practice nila" sagot naman ni Dwayne sabay subo sa pagkain nya.

"Kamusta kaya practice nila ngayon?" Tanong naman ni Andrei.

"Sure naman ako na ok lang ang practice nila, sus si Charlotte pa ba?" Sabi ni Dwayne at nginitian kami.

"Psh, nakakainis na bawal tayo manoood sa basketball practice nila" sabi ni Mike na mukhang naiinis talaga.

Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi ni Mike.

"B-basketball practice?!" Biglang tanong ko kaya napatingin sila sakin.

"Oo pre, yun yung pinapractice nila ngayon, hindi mo ba alam?" Sabi ni Andrei.

Umiling iling naman ako sakanila kaya natawa na lang sila.

"Si Charlotte nagbabasketball?!" Hindi pa ring makapaniwalang tanong ko sakanila.

All this time basketball pala ang pinapractice ni Charlotte, akala ko kasi pang girly sports ang pinapractice nila eh.

"Oo naman pre, si Charlotte pa ba? Lahat ng sports dito sa school kasali sya, kahit sa girls basketball" sabi ni Dwayne matapos lunukin yung pagkain nya.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon