Chapter 18

156 5 0
                                    


Charlotte's POV

Matapos ang uwian ay nagpaalam na ko kay Tamara.

Pumunta na ko sa parking lot dahil baka naghihintay na sakin si Nathan.

Pero pagdating ko, wala akong nakitang presensya nya dun.

Nakakapagtaka naman na wala sya dito, sa tuwing darating kasi ako sa parking lot, lagi ko na syang naaabutan malapit sa kotse ko, hindi sya tumatabi sa kotse ko dahil para hindi magtaka yung mga students na dumaraan sa parking lot kung bakit sya nasa kotse ko.

...Pero ngayon, di nya ko hinihintay...

Naghintay pa ko ng ilang minuto dito sa gilid ng kotse ko dahil baka nalate lang sya pumunta sa parking lot.

Pero ilang minuto na ang nakakalipas, di pa rin sya dumarating kaya nag alala na ko.
Naisipan kong tignan yung watch ko, para makita kung asan na sya.

Nang tignan ko, wala na pala sya sa school.

Nakita ko na nasa coffee shop na pala sya.

Di nya ko hinintay?
Ano problema nun?

Di pa naman sya gaanong late sa work nya, kaya bakit di nya ko hinintay?

Tatanungin ko na lang sya mamaya pagdating sa bahay, dahil di ko naman sya pwede kausapin sa coffee shop kung saan sya nagwowork.

Kailangan nyang mag explain sakin mamaya kung bakit sya nauna.

Sumakay na ko agad sa kotse ko dahil marami nang nakakakita sakin na nakatambay dito sa parking lot, baka mamaya isipin nila na may hinihintay ako dito kaya nagmadali na kong umalis.

Habang nagdadrive, bigla ko tuloy naisip kung bakit di nya ko hinintay ngayon.

Pagkarating ko sa coffee shop, ay pumasok agad ako at hinanap si Nathan, pero syempre di ko pinahalata na hinahanap ko sya.

Nang makita si Nathan, umupo agad ako para di ako mahalata na hinanap sya ng mata ko.

Hinintay ko syang lumapit sakin para makuha ang order ko, sya kasi minsan kumukuha ng order ko pag nandito ako.

Pero yung babaeng katrabaho nya yung lumapit sakin, busy siguro sya masyado.

Nang makuha ko na yung inorder ko, naisipan kong sulyapan si Nathan sa malayo.

Bakit feeling ko, may problema sya.

----
Lumipas ang ilang oras, pero di ko nakitang ngumiti man lang si Nathan, ngumingiti lang sya paghaharap sa customers, pero pag aalis na, emotionless na yung mukha nya.

Pakiramdam ko may kakaiba ngayon sakanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pakiramdam ko may kakaiba ngayon sakanya.

Una, di nya ko hinintay at nauna na dito sa coffee shop, alam naman nya na lagi kami magkasabay pumunta dito.
Pangalawa, ang tamlay nya.. O parang galit ata sya?

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon