Chapter 4

241 10 0
                                    


Nathan's POV

Gabi na kaya sisimulan ko na ang plano kong pagtakas, simula kasi nang magsagutan kami- ay mali ako lang pala ang nagsalita kaya di matatawag na sagutan yun, anyway simula nga nun ay di na ko lumabas sa kwarto kung saan ako nagising kanina.

Bumaba lang ako nung nagutom ako nung hapon, pero di ko na sya nakita pa sa sala, siguro nandun din sya sa kwarto nya dahil di lang naman ito ang kwarto dito.

Sabi nya may GPS daw tong suot kong chocker, pero di ako naniniwala, sigurado ako na sinabi nya lang yun sakin para takutin ako o para di ako bumalak tumakas, pero syempre hindi ko hahayaan na sumunod na lang ako sa gusto nya kaya tatakas pa rin ako.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at luminga linga dahil baka mamaya ay biglang dumating si Charlotte.
Dahan dahan akong lumabas, konti na lang ang nakabukas na ilaw sa bahay dahil nga tulog na lahat.

Nang makalabas ako sa bahay, sisigaw sana ako sa tuwa kaya nga lang bigla kong naalala na baka magising si Charlotte kaya di ko na lang tinuloy.

Sinimulan ko na maglakad palayo, nang medyo nakalayo na ko ay sinimulan ko nang tumakbo ng mabilis dahil kung tatakbo agad ako nang di pa ko nakakalayo ay baka marinig ni Charlotte yung yabag ko kaya mabuti na ang maingat.

Takbo lang ako ng takbo, sa totoo lang hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta, basta makalayo lang ako dun sa bahay na yun ay ok na sakin, siguro mamaya ko na lang iisipin kung saan ako pupunta kapag nakalayo layo na ko.

Nang di ko na makaya ang kapaguran ko ay huminto ako sa gilid at nagpahinga ng konti dahil malayo layo na ang natakbo ko.

"Siguro... naman ay di na... nya ko maabutan.... sa layo ng tinakbo ko" hingal na hingal kong sabi sa sarili ko dahil di pa ko nakakarecover sa tinakbo ko kanina.

"Akala mo ba matatakasan mo ko?" Rinig kong boses

Napalingon naman ako sa likod sa sobrang gulat at dahil na rin dun nanggaling yung boses.

Nanlalaki yung mata ko nang makita si Charlotte.

Kung ganun balewala lang pala ang pagtakbo ko ng malayo dahil tulad nga ng sabi nya, di ko sya matatakasan.

"P-paano mo ko nahanap?" Tanong ko sakanya.

"Nakalimutan mo na ba na may GPS yang choker mo kaya kahit saan ka magpunta mahahanap at mahahanap kita" sagot nya.

Kung ganun, totoo pala talaga ang sinabi nya na may GPS tong suot kong choker, akala ko tinatakot nya lang ako.

"Pero paano mo nalaman na tumakas ako?" Tanong ko ulit dahil sigurado naman ako na di ako nakagawa ng ingay bago makalabas ng bahay nya.

"Nakalimutan ko sabihin sayo na connected ang choker mo at ang relo ko, kaya kapag nakalayo ka ay malalaman ng relo ko na tumakas ka, nagvivibrate kasi tong relo kapag nakalayo na ang choker mo sakanya kaya ako nagising" paliwanag nya habang kusot kusot pa ang mata nya na parang antok na antok pa.

Ngayon ko lang napansin yung suot nya, nakapajama sya na dilaw at may maliliit na nakaprint na tiger doon, ang cute nya.

T-teka sinabi ko bang cute sya?! Erase erase, di sya cute dahil masama ugali nya.
Tama, mukhang masyado lang ako napagod kakatakbo kaya kung ano ano naiisip ko.

Bigla ko naman napansin na may bitbit syang... SKATEBOARD?!

"Kanina mo pa ba ko sinusundan gamit yan?" Tanong ko sakanya sabay turo sa bitbit nyang pink na skateboard.

"Oo kanina pa, tinatamad kasi akong tumakbo kaya sumakay na lang ako sa skateboard ko, at isa pa, inaantok pa ko kaya ito gamit ko" sagot nya

Grabe di ko man lang sya napansin na kanina pa pala nya ko sinusundan, siguro abala ako sa pagiisip na makalayo kaya di ko sya napansin.

"Tara na, bumalik na tayo" sabi nya sabay lapag ng skateboard nya at tinapakan, paandar na sana sya ng magsalita ako.

"Teka!, tatakbo ulit ako pabalik?" Tanong ko dahil kakatakbo ko lang kanina at medyo pagod pa rin ako sa layo ng tinakbo ko.

Lumingon naman sya sakin at nagsalita.

"Oo, nakaya mo nga tumakbo ng malayo kaya sure naman ako na kaya mo ulit tumakbo pabalik" sagot nya.
"Subukan mong hindi sumunod... Magsisisi ka" pahabol nya at pinaandar na ang skateboard nya.

Wala na kong nagawa kundi tumakbo at sumunod sakanya.

"Bilisan mo tumakbo" sabi nya sakin habang nakasakay sa skateboard nya.

"Ikaw kaya tumakbo dito" bulong ko.
"May sinasabi ka?" Tanong nya sakin, narinig nya siguro dahil nasa gilid nya lang ako tumatakbo.

"Wala, sabi ko bibilisan ko na" palusot ko na lang.

Di na sya nagsalita, binilisan nya na lang paandarin yung skateboard nya.

Nang makarating na ulit kami sa bahay nya ay tinabi na nya yung skateboard nya.
Di pa ko nakakarecover sa pagtakbo ko kanina nang biglang...

"AHHHHHHH!!!" sigaw ko dahil naramdaman ko na naman yung kuryente sa leeg ko.

Napaluhod ako ng maramdaman kong tumigil na ang kuryente sa leeg ko.

"Para yan sa pagtakas mo kanina" rinig kong sabi nya dahil di ko maangat yung ulo ko dahil sa sakit ng naramdaman ko at sa pagod.

"AHHHH!!" naramdaman ko ulit yung kuryente sa leeg ko, pero this time, saglit lang.

"Para naman yan sa pag istorbo sa pagtulog ko" sabi nya at umakyat na sa kwarto nya.

Nag paiwan na lang ako dito sa sala para makapagpahinga kahit konti, at pakiramdam ko pa ay di ko pa kayang kumilos sa sakit ng katawan ko.

Nang maramdaman ko na medyo nakapagpahinga na ko ay umakyat na ko sa kwarto ko.

Humiga na agad ako sa kama dahil medyo masakit pa rin katawan ko.

Siguro kailangan ko na lang itulog to, para mawala ang sakit.

At isa pa, papasok na ulit ako bukas.
Sabi nya kasi papayagan nya kong pumasok sa school.

"Magkasabay kaya kami papasok bukas? " tanong ko sa sarili dahil sabi nya schoolmates daw kami.

Napabuntong hininga na lang ako, wala na talaga akong takas sakanya.

Sana wala na ang sakit ng katawan ko bukas paggising ko.

Natulog na lang ako dahil kailangan ko ng maghanda para bukas.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon