Chapter 77

101 7 6
                                    

A/N: iplay nyo lang po yung vid sa multimedia kung gusto nyo, para habang binabasa nyo tong chap may background music kayo haha geh basa na po ulit.
----

Tamara's POV

"Tamara...... Ako ba yung mahal ni Jared?....." Sabi nya at tinignan na ko ng paseryoso.

Natigilan na ko sa tinanong nya.

Anong sasabihin ko?

Aaminin ko ba na sya talaga yung tinutukoy ni Jared kanina?

Umiwas ako ng tingin sakanya bigla.

"I don't know lotti...." Sabi ko sakanya at tinignan na sya.

I need to pretend that I don't know anything dahil alam kong hindi dapat sakin manggaling ang sagot.....

"Bakit mo naman bigla naisip yan lotti?" Tanong ko at lumapit na sakanya dahil hindi na sya kumibo.

"I just feel na ako yung tinutukoy nya by his stares towards me earlier, parang sinasabi nya sa titig nya sakin kanina na matagal ko na syang sinasaktan.... I.. I just can't help myself to think na.... Baka ako yung tinutukoy nya..." Sabi nya na mukhang nag aalala.

Inakbayan ko na lang sya at ngumiti.

"You're just being a paranoid lotti, wag mo ng masyadong alalahanin si Jared ok? Kung ikaw man yung tinutukoy nya sa ginawa nyang kanta, dapat nya sabihin sayo yun ng harapan, isa pa, don't stress yourself, may next competition ka pa right? Malapit na ang laban mo kay Steffanie kaya yun na lang muna ang alalahanin mo" sabi ko at malapad na nginitian sya.

Bumuntong hininga naman sya at tumango sakin tsaka ngumiti.

"Let's go na" masayang sabi ko at naglakad na kaming dalawa habang nakaakbay pa rin sakanya.

----
Nathan's POV

"O pre, natulala ka na dyan ah" rinig kong sabi ni Andrei kaya napatingin ako sakanya.

"Alam naming maganda talaga sina Tamara kanina nung nakasalubong natin pero hindi namin ineexpect na matutulala ka na dyan dahil sakanila" sabi naman ni Mike ng natatawa.

Napailing na lang ako sakanila.

"Ewan ko sainyo, mauna na nga ako" sabi ko at nauna ng maglakad at iniwan sila.

Narinig kong tinawag pa nila ako pero hindi ko na sila nilingon.

Hindi ko alam pero parang nawalan na ko sa mood kanina pa, tapos nag alala pa ko kay Charlotte nung nakita kong mukhang wala sya sa sarili kanina.

Ewan ko pero parang nalungkot ako sa sinabi kanina ni Jared....

Flashback

'Ahm... Alam kong nanonood ka ngayon.... Sana ngayon ako naman yung tignan mo.... Ako naman yung mapansin mo.... Kasi nandito lang naman ako lagi sa tabi mo.... I came back because of you.... Because I need you girl.....' Sabi ni Jared sabay tingin kung saan na parang nandun yung tinutukoy nya.

Gusto kong makita kung saan sya nakatingin nung sinabi nya yun pero masyado kaming malayo kaya hindi ko makita kung saan sya tumingin kanina.

Pero sigurado akong doon nakaupo sina Charlotte...

End of Flashback

Paano kung..... Si Charlotte pala yung tinutukoy ni Jared sa kanta nya.....

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon