Chapter 6

210 10 1
                                    


Nathan's POV

Matapos naming kumain ay saktong nag ring na ang bell, ibig sabihin tapos na ang breaktime.

Nagsibalikan na kami nina Andrei sa classroom namin at sakto namang kararating lang din ng teacher namin.

Habang nagtuturo ay nakikinig lang ako sa teacher namin, totoo naman kasi ang sinasabi nila Andrei, palagi talaga ako nakafocus sa pag aaral dahil wala na kong time magbulakbol dahil iniisip ko palagi na makapagtapos dahil palagi kong sinasabi sa sarili ko na sarili ko na lang aasahan ko.

Sina Andrei din naman kahit na minsan may pagka baliw sila minsan masasabi ko na matitino rin sila dahil hindi rin naman nila pinapabayaan ang pag aaral nila kahit papaano.

Matapos ang ilang subjects ay uwian na rin sa wakas.

"Pre, gusto mo ba sumama samin sa may track and field?" Aya sakin ni Mike.

"Bakit anong meron dun" tanong ko sakanila.

"Balita ko kasi ngayon magprapractice si Charlotte my labs eh" sabi naman ni Dwayne.

"Pwede ba Dwayne mandiri ka nga sa mga sinasabi mo" sabi ko ng parang diring diri.

Ewan ko ba pero nakaramdam ako nag pakainis sa sinabi ni Dwayne, hindi ko alam kung bakit, siguro dahil masyadong nakakabakla yung pagkakasabi nya ng 'Charlotte my labs'.

"Kelan mo naman naging my labs si Charlotte ah Dwayne?" Natatawang tanong sakanya ni Andrei.

"Ngayon lang, bakit ba?" Sagot naman ni Dwayne samin.

Isa isa naman namin sya binatukan nila Mike sa sagot nya at nagtawanan.

"So ano nga Nathan sama ka?" Pagbabalik topic ni Mike.

Napaisip naman ako, tutal day off ko naman ngayon sa coffee shop kaya ok lang kung sasama ako, at isa pa gusto ko makita kung gaano ba talaga kagaling si Charlotte pagdating sa sports para sya mapili na ipanglaban sa ibang schools.

"Sige sama ako tutal day off ko naman sa part time job ko eh" sabi ko naman sakanila.

YES! (Andrei)

YOWN! (Mike)

YEHET! (Dwayne)

Kanya kanya nilang react sa sinabi ko, napatawa na lang ako.

Kung sabagay,hindi ko sila masisisi kung bakit sila ganyan magreact, minsan lang naman kasi ako sumama sa kanila tuwing uwian dahil nga may trabaho ako.

Wala na kaming sinayang na oras at dumeretcho na kami sa track and field, paano naman kasi itong tatlong kasama ko masyadong excited, parang akala mo naman mawawala yung track and field kung makapagmadali.

"Bilisan mo nga Nathan, mamaya wala na tayong maabutan na upuan dun eh" sabi sakin ni Dwayne.

"Bakit naman tayo mauubusan ng upuan dun?" Tanong ko sakanila.

Pero nung nakarating kami, tama nga sila karamihan na ng upuan occupied na.

"Nagulat ako, bakit ang daming tao rito? Tanong ko sakanila.

"Nagtatanong ka pa pre, malamang isang Charlotte Son ang tatakbo mamaya kaya maraming nag aabang sakanya" sagot ni Andrei sakin.

Grabe ganito ba kasikat si Charlotte, mabuti na lang at may nakita pa kaming upuan, ito na ata ang last na upuan dito.

"Buti may naupuaan pa tayo" sabi ni Dwayne.

Tumingin naman ako sa track and field at nakita ko agad si Charlotte na nag wawarm up.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon