Chapter 25

143 6 0
                                    


Nathan's POV

Ilang araw na rin ang lumipas, simula nung hinila ko si Charlotte sa park malapit sa Amethyst High.

Simula din nun, nagbalik na ulit kami sa dati ni Charlotte.

Di pa rin kami masyado nag uusap pero alam kong ok na kaming dalawa.

Pero hanggang ngayon, nagrereply pa rin sa utak ko yung sinabi nya sakin.

Flashback
"Pero teka, ano naman kinalaman nun sa paglayo mo kay Ynna sakin?" Takang tanong ko dahil naguguluhan pa rin ako sakanya.

Dahil ayokong may nagkakagusto sa pagmamay ari ko....

Napatingin naman ako sakanya sa sinabi nya.

Pero nakatuon lang yung pansin nya sa daan at walang reaction.

Di na ko nagsalita nung sabihin nya yun dahil hindi ko naman alam kung anong irereact ko.

End of flashback

Bigla ko na lang nagulo yung buhok ko dahil naalala ko nanaman yung sinabi nya.

Bakit ba hindi yun maalis sa isip ko?

Hindi naman yun ang unang beses na sinabi nya yun sakin, dahil una na nyang sinabi sakin na pagmamay ari nya ko ay nung una akong nagising sa bahay nya.
Kaya bakit masyado ata akong affected sa sinabi nya?

Hindi ba dapat nagagalit ako dahil basta basta na lang nya ko inangkin na parang bang isang bagay lang akong kinuha nya?

Pero bakit ganun? Para kasing iba yung nararamdaman ko...parang may naghahalo halo sa tiyan ko pag naiisip ko yung sinabi nya.

Nagulo ko nanaman yung buhok ko dahil naguguluhan na talaga ako.

Bigla naman may tumapik sa likod ko.

"Uy pre, ayos ka lang? Kanina pa kasi namin napapansin na kanina mo pa ginugulo yang buhok mo eh, may problema ka ba pre?" Rinig kong sabi ni Mike.

Nagulat naman ako, oo nga pala kasama ko sila kanina pa.

Nandito nga pala kami nakaupo sa bench sa gilid ng corridor nakatambay, dahil kakatapos lang namin kumain sa cafeteria.

Tinatamad pa kasi kami bumalik sa room namin.

"Oo nga pre, namumula ka pa dyan, ano ba iniisip mo ha?" Tanong naman ni Dwayne sakin.

Nilapat naman ni Mike ang likod ng kamay nya sa noo ko.

"Wala ka namang sakit, alam mo konti na lang pre, iisipin na namin na nagbablush ka eh" natatawang sabi sakin ni Mike.

"U-uy, anong namumula? Hindi no! B-bakit naman ako mamumula?" Tanong ko sakanila dahil di ko naman alam na namumula na ko.

"Aba malay namin pre, siguro iniisip mo yung crush mo kaya ka namumula no?" Pang aasar naman sakin ni Andrei.

Tinusok tusok naman nilang tatlo yung tagiliran ko at tinignan ako ng nakakaloko.

"Uuuuyy! Sino yung crush mo pre? Share mo naman samin oh" sabi naman ni Dwayne at tinaas baba pa ang kilay nya at tinusok tusok ulit yung tagiliran ko.

"Pwede ba, tigilan nyo ko, daming nakakakita satin na mga dumadaang estudyante, baka mamaya isipin nila may mga baliw akong kasama, medyo naiinitan lang kasi ako kaya siguro namumula ako, at wala akong crush no tss.. "sabi ko naman sakanila kaya tinigilan na nila ko.

"Bakla ka ba pre?" Seryosong tanong sakin ni Andrei.

Binatukan ko naman sya bigla sa tinanong nya.

"Sira! W-wala pa kasi akong nakikitang babae na pwede kong magustuhan kaya wala pa kong crush" sabi ko naman sakanila.

"Bakit si Tamara at Charlotte, ayaw mo ba talaga sakanila?" Biglang tanong sakin ni Mike.

Bigla tuloy akong napaisip, naalala ko nga pala yung ginawa ni Tamara, kinausap nya si Ynna, siguro kung hindi nya ginawa yun baka hanggang ngayon kasama ko pa rin si Ynna at naniniwala pa rin ako sakanya.

Nagkikita pa rin naman kami ni Ynna, pero hindi ko na sya pinapansin, nung una nagtaka sila Andrei kung bakit di na kami nagpapansinan, pero ang sabi ko na lang, tapos na kasi yung pinapagawa nya kaya di ko na sya kailangan pang pansinin.

Buti na nga lang di na sila masyado pa nagtatanong eh.

"Ano nga pre, wala ka man lang ba nagugustuhan ni isa kina Tamara at Charlotte?" Balik tanong sakin ni Dwayne.

"S-si T-tamara, para kasing mabait sya" sabi ko na lang sakanila sabay iwas ng tingin para di na nila ko kulitin.

Bigla naman sila nagsingitian at nag apiran.

"Yun naman pala eh, kung sabagay, kagusto gusto naman talaga ang Tamara namin diba mga pre?" biglang sabi ni Mike.

Sumang ayon naman yung dalawang baliw sa tanong ni Mike.

"Perfect naman talaga si Tamara diba guys?" Tanong ulit ni Mike sakanila.

Nagsitanguan naman sila, kaibigan ko ba talaga sila? Hayss..

"Pero si Charlotte pre, ayaw mo ba sakanya?" Biglang tanong naman ni Andrei sakin.

"H-hindi naman sa ayaw pero, masama kasi ugali nun" sabi ko sakanila.

"Teka paano mo naman nasabi masama ugali ng Charlotte namin?" Tanong naman ni Mike.

"I-i mean, feeling ko kasi masama ugali nya, kasi d-diba lagi syang emotionless?" Palusot ko dahil muntikan na nila kong mahuli sa sinabi ko.

"Ah yun ba? Grabe ka pre, di porket ganun si Charlotte, masama na ugali nya no!" Sabi ni Dwayne sakin.

"Alam mo bang humble yun? Di na sya pinagprapractice ng mga coach nya, pero nagprapractice pa rin sya dahil palagi nya sinasabing di pa naman sya ganun kagaling, tignan mo, kahit sya na yung no.1 di pa rin sya mayabang" pagtatanggol pa ni Mike kay Charlotte.

"At alam mo rin ba na pinapahalagahan nya rin yung mga teammates nya, minsan kasi pag nawawalan na ng pag asa ang mga kateammates nya, sya palagi yung nagpapalakas ng loob nila at nageencourage sakanila, kaya palagi nabubuhayan ang team nila" dugtong pa ni Andrei.

"Ganun lang yun si Charlotte, di masyado nagpapakita ng emotions pero nagpapahalaga talaga sya sa ibang tao" sabi naman ni Dwayne.

"At tsaka yung sinasabi mong palaging emotionless ang mukha nya, yun kaya yung nagugustuhan ng mga fans nya dahil mysterious daw kasi ang dating nya" sabi naman ni Mike na parang kinikilig pa, baliw talaga.

"At kapag yun ngumiti, nako asahan mong mas maraming maiinlove sakanya dahil sa cute nyang mga dimples, sobrang rare mo lang kasi sya makikitang nakangiti, kaya nga siguro di sya masyado ngumingiti dahil alam nyang maraming mamamatay na fans pag ngumiti sya" sabi naman ni Andrei.

"Saan nyo naman nalaman yang mga pinagsasabi nyo?" Tanong ko naman sakanila.

"Malamang sa Chara fansclub, diba nga members na tayo dun kaya marami na kaming nalalamang info kina Tamara at Charlotte" sagot sakin ni Mike.

"Palagi ka kasing wala sa mga gathering ng Chara kaya wala kang nalalaman tungkol sakanila eh" dugtong naman ni Dwayne.

"So ano Nathan? Nagustuhan mo na rin ba si Charlotte? Alam mo kasi, pareho silang perfect ni Tamara eh" sabi naman ni Dwayne sakin.

Bigla naman ng ring yung bell, ibig sabihin tapos na ang breaktime namin kaya nagsibalikan na kami ng room namin, kaya di ko na nasagot yung tanong sakin ni Dwayne.

Ang dami ko palang di alam kay Charlotte?

Kung sabagay, di naman kasi sya nagkwekwento sakin eh.

Pero sige na nga...kahit masungit sya sakin...pareho ko na silang gusto ni Tamara....gusto ko na rin si Charlotte....

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon