Chapter 72

87 7 4
                                    

Nathan's POV

["Yah! Pre asan ka na ba? Ang tagal mo talaga"]

"Teka nga! Ito na nga paalis na eh akala nyo naman mag iistart na yung competition agad, para kayong mga sira!"

["Aish! Syempre kailangan maaga tayo dun, ah basta bilisan mo didiretcho na tayo dun"]

"O sige sige bye"

["Geh bilisan mo"]

"Oo na hays"

End Call

Nagmadali naman ako bumaba at nagpaalam sa mga maids ni Charlotte na aalis na ko.

Aish! Nakaidlip kasi ako kanina dahil nga ang aga ko nagising eh.

Paggising ko naman, wala na si Charlotte, nauna na sabi ng maids dahil magreready na sila ng mga kateammates nya.

Tapos pagkakita ko naman sa cellphone ko, ang dami ng texts at missed calls nila Dwayne at pinamamadali na kong makapunta sa Opal High dahil medyo marami na daw tao dun ngayon.

Mga excited talaga eh tss..

Hindi naman agad agad magsisimula yun tsk!

Papunta akong Opal High ngayon dahil dun gaganapin ang competition nila Tamara at Charlotte.

Medyo may pagkamalayo yun mula rito kaya nanghiram na lang ako ng bike sa garahe nila Charlotte.

Mas matatagalan kasi ako kung mag aabang pa ko ng masasakyan eh.

Hindi naman talaga ako kailangan magmadali, yung mga mokong lang talaga ang nagpapamadali sakin tss..

Mas mabuti na bisikleta na lang hiramin ko kesa kotse dahil hindi naman makapal mukha ko eh..

Mabuti naman at pumayag si manong na mahiram ko yung bike nya kaya nagmadali na kong nagbisikleta papuntang Opal High.

Alam ko naman na papunta dun dahil tinuro naman sakin nila Andrei kung paano makapunta kanina sa text.

Nang makarating ako sa tapat ng Opal High ay nakita ko na sina Mike na nag aantay sakin.

Tinabi ko naman yung bike na ginamit ko sa paradahan ng mga bike, pagkatapos ay tumakbo na papunta sakanila.

Binatukan naman agad ako ni Mike ng mahina kaya napahawak ako ulo ko at tinignan sya ng masama.

"Bakit ba ang tagal mo? Kanina pa kami naghihintay dito, nakailang tawag at texts na kami sayo kanina" sabi ni Mike at nagpamewang pa.

Tinulak ko naman yung mukha nya kaya napaatras sya ng konti.

"Pwede ba? Ang oa nyo hindi pa nga nag iistart yung competition tss" sabi ko at tinignan sila ng masama.

"Tama na nga guys, tara pumasok na lang tayo, nandun na rin yun iba pang mga members ng Chara hinihintay na nila tayo" sabi ni Andrei kaya tumigil na kami at nagsimula ng pumasok.

Nang makapasok kami sa loob, sumalubong agad samin ang sobrang daming tao na may malalaking banner at may print sa T-shirt nilang 'FIGHTING TAMARA!!' tapos sa likod naman ay nakalagay ang 'CHARA FANSCLUB'.

Binasa ko rin yung malalaking banner nila, ❤ WE LOVE YOU TAMARA! ❤ yan ang nakalagay.

Grabe ang effort nila dito.

Pero may napansin din ako, para kasing may pinagkakaguluhan yung mga tao eh, tsaka yung ibang mga estudyante ng Opal High nakikigulo rin!

Teka anong meron? May away ba?

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon