Chapter 23

151 8 4
                                    

A/N: iplay nyo lang po yung vid sa multimedia kung gusto nyo, para habang binabasa nyo tong chap may background music kayo haha geh basa na po ulit.
----
Nathan's POV

Takbo lang ako ng takbo papuntang garden.

Ang tanga tanga ko, naniwala agad ako sa sinabi ni Ynna.

Sinasamahan ko pa naman si Ynna nitong mga nakaraang araw dahil akala ko natatakot talaga syang masaktan ulit ni Charlotte.

Pero kasinungalingan lang pala yun.

Akala tuloy nila Andrei, may gusto ako kay Ynna pero sinasabi ko lang palagi sakanila na ginagawa ko yun dahil kailangan.

Nakakainis dahil nagawa nya kong lokohin at pinagmukhang tanga.

Sinigawan at pinagbintangan ko si Charlotte sa bagay na hindi naman pala nya ginawa.

Hindi ko pinapansin si Charlotte nitong mga nakaraan dahil sa pag aakaala ko na nanakit sya ng ibang tao.

Ako lang pala iniisip nya kung bakit ayaw nya pagsalitain si Ynna, kasi ayaw nyang pag usapan ako ng ibang tao.

Kainis nagiguilty tuloy ako sa ginawa ko.

Ni hindi ko man lang pinakinggan yung side nya.

Naiinis tuloy ako sa sarili ko ngayon.

Hingal na hingal akong nakarating ng garden.

Naglakad ako papuntang garden at hinanap sya, medyo malaki kasi ang garden dito kaya kailangan ko pa sya hanapin.

Palinga linga ako dahil hinahanap ko pa rin sya.

Hanggang sa nakita ko sya sa dulo ng garden.

Nakaupo sya at nakasandal sa ilalim ng malaking puno.

Nakatingin lang ako sakanya.

Di nya ko napapansin dahil busy sya sa pagdrodrawing.

Dito siguro sya tumatambay dahil mukhang nakakarelax dito at may privacy sya, sya lang kasi ang nandidito.

Nilapitan ko sya unti unti sa malaking puno sa dulo ng garden.

Pumunta ako sa harap nya, at tinignan sya mabuti.

Nakaupo lang sya sa ilalim ng malaking puno at tahimik na nagdrodrawing.

Nakatayo lang ako sa harapan nya, masyado ata syang busy para mapansin ako.

Tanging maririnig lang dito ngayon sa garden ay ang tunog ng lapis nya dahil sa pagdrodrawing pati na rin ang pag ihip ng hangin.

Bumaba ako para maglevel lang kami dahil nga nakaupo sya.

Lumapit ako ng konti para matignan sya mabuti.

Bakit ganun? Kahit nakaupo lang sya dito at seryosong nagdrodrawing, ang elegante pa rin nya tignan.

Hindi ko tuloy mapigilang....titigan sya..

Pwede pala yun? Na kahit schoolmates kami, kahit magkasama kami sa bahay....pwede pala na hindi kayo magkita dahil nag iiwasan kayo.

Kahit kasi araw araw pa rin sya pumupunta sa coffee shop, mabilis agad sya umaalis at ako naman, busy sa mga customers namin.

Kaya pakiramdam ko, ang tagal ko syang hindi nakita.... Ang tagal kong hindi nakita yung mukha nya, kahit ilang araw lang naman ang lumipas.... Feeling ko, ang tagal naming hindi nagkita.

Kahit pa sabihin na magkasama kami sa bahay nya.

Bakit pakiramdam ko.... Natuwa ako ng makita sya ulit...na malapit na ulit sya sakin.....

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon