Chapter 82

108 6 4
                                    

A/N: iplay nyo lang po yung vid sa multimedia kung gusto nyo, para habang binabasa nyo tong chap may background music kayo haha geh basa na po ulit.
----

Third Person's POV

"Si Charlotte Son yun diba?! Anong ginagawa nya dito?!"

"Balita ko pumunta rin sa Amethyst High si Steffanie eh, hindi kaya may dadalawin din sya dito??"

"Homayghad ang ganda ni Charlotte grabe!!"

"Bakit kaya sya nandito sa Ruby High??"

Yan ang naririnig na bulung bulungan ni Charlotte habang dirediretcho syang naglalakad sa hallway ng Ruby High.

Oo, maaga sya umalis hindi para maaga magpractice, kundi maaga talagang pumunta sa Ruby High kung saan nag aaral ang rival nyang si Steffanie.

Dirediretcho lang naglakad si Charlotte papuntang field ng Ruby High, wala na syang pakialam kung pinagtitinginan sya ng mga estudyante ngayon.

Hindi nya na kailangan pang tanungin sa ibang students kung saan nya makikita si Steffanie sa mga oras na to dahil kilala nya ito pati na rin ang coach nito, competitive sila kaya alam nyang nagprapractice ito ng maaga sa field.

Oo, pinunta nya talaga sa Ruby High ay ang karibal nyang si Steffanie...

Nang makarating na si Charlotte sa field sa school ay hindi nga sya nagkamali, nandun si Steffanie kasama ang mga kateammates nito habang nagwawarm up.

Napakuyom naman agad ng kamay si Charlotte, dahil hindi nya maiwasang mainis kay Steffanie sa tuwing naaalala nya ang ginawa nito kahapon kay Nathan.

Wala naman talaga syang galit o inis sa rival nya noon, pero sa ginawa nito kahapon ay mukhang nagkaroon na.

Bumaba naman sya sa field habang lahat ng students ng Ruby High ay nakatingin sakanya, pero wala syang pakialam.

Nang makarating na sya sa field ay hindi sya agad napansin ni Steffanie dahil nakatalikod ito habang nagwawarm up.

Nang mapansin ng kateammates ni Steffanie si Charlotte ay agad nila itong sinabi kay Steffanie at tinuro si Charlotte.

Nagulat naman si Steffanie ng makita si Charlotte sa school nya pero agad namang nakarecover.

"Ano naman ginagawa ng isang Charlotte Son sa school ko?" Sabi ni Steffanie at nagpamewang at ngumisi.

"You know what's the reason Steffanie..." Seryosong sagot ni Charlotte habang seryoso rin syang nakatingin dito.

"Oh, it's because of that guy Nathan right?" Sabi ni Steffanie at ngumiti ng malapad.

Tinitigan naman ni Charlotte ang mga kateammates ni Steffanie sa likod dahilan para magsialisan sila sa takot.

Nang mapansin ni Steffanie ang ginawa ni Charlotte ay natawa ito.

"Why? Ayaw mong marinig ng iba ang about sakanya?" Sabi ni Steffanie at nagsmirk ulit.

Unti unti namang lumapit si Charlotte kay Steffanie.

"Try to do something that'll make Nathan in danger.... Magsisisi ka" cold na sabi ni Charlotte habang nakatingin ng diretcho sa mata ni Steffanie.

Kinabahan si Steffanie pero hindi nya ito pinahalata.

Lumayo naman si Charlotte at naglakad na palayo, pero hindi pa man sya nakakalayo ay nagsalita si Steffanie.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon