Chapter 20

169 4 0
                                    


Nathan's POV

Natapos ang buong araw ng klase na hindi ko nakita man lang sa school si Charlotte.

Hindi ko lang alam kung nakita ba nila Dwayne si Charlotte, kasi ako hindi eh.

Pumasok ba sya?
Saan naman sya pupunta?

Teka, ano ba pakialam ko kung hindi ko sya makita?

Mabuti na rin yun, dahil hanggat nakikita ko sya, naaalala ko lang yung ginawa nya kay Ynna.

Sabay kami lumabas ng classroom nila Mike.

"Guys, tara punta tayong library" aya samin ni Andrei.

"Nagtext kasi yung leader ng Chara na nandun ngayon sina Tamara at Charlotte eh" dugtong pa nya.

"Nandun ba lahat ng estudyante?" Tanong naman ni Dwayne.

"Yup, kaya wala masyadong estudyante na nandidito dahil lahat sila nakatambay sa library" sagot naman ni Andrei.

Kaya pala hindi ko sya nakikita, nandun pala sya sa library.

"Maganda talaga pag nasa Chara fansclub eh, updated tayo palagi" sabi naman ni Mike sabay nakipag apiran kina Dwayne.

Mga baliw talaga eh.

"Di talaga halatang fanboy kayo eh no?" Sarcastic kong sabi sakanila.

Nagtawanan naman sila sa sinabi ko.

"Ikaw Nathan, sama ka?" Tanong sakin ni Andrei.

"Hindi na, may trabaho pa ko eh" sabi ko at nagpaalam na sakanila.

Sila naman ay dumeretcho na papuntang library, buntot talaga sila nina Tamara eh tss..

Hindi ko na hihintayin pa si Charlotte, ayoko rin naman sya kasabay.

Bahala nang parusahan nya ko, pero galit pa rin ako sakanya.

Habang papalabas ng gate ay nakita kong nakatayo si Ynna malapit sa gate ng school.

"Ynna, anong ginagawa mo dito? Bakit di ka pa umuuwi?" Tanong ko sakanya dahil kanina pa kami nagsilabasan sa room kanina.

"Nathan, pwede ba kita makausap?" Tanong naman nya sakin.

"Bakit Ynna? Tungkol saan ba?" Nagtataka kong tanong sakanya.

"Pwede ba kong humingi ng favor sayo?" Tanong nya ulit ng di makatingin sakin.

"Sige ano ba yun?" Tanong ko sakanya.

"P-pwede ba.. S-simula bukas... Palagi na kitang kasama?....k-kasi natatakot pa rin ako na... S-saktan ulit ako ni Charlotte" sabi nya sakin sabay iwas ng tingin.

Natawa naman ako sakanya.

"Sa tingin ko naman Ynna, hindi ka na sasaktan ulit ni Charlotte kinausap ko na sya" sabi ko sabay tapik sa balikat nya.

"P-pero hindi pa rin tayo makakasigurado na hindi nya ulit ako sasaktan Nathan..." Sabi nya naman sakin na parang alalang alala.

Napasuklay na lang ako sa buhok ko.

"Ok sige, para mapanatag yang kalooban mo, sasamahan na kita palagi simula bukas, hanggang hindi ka na matakot kay Charlotte ok ba yun?" Sabi ko sakanya.

Nginitian naman nya ko at niyakap ako bigla.

"Thanks Nathan!" Sabi nya ng nakayakap pa rin sakin.

Inalis ko naman ang pagkakayakap nya sakin at nginitian sya.

"Sige una na ko Ynna, may part time pa ko eh" natatawa kong sabi sakanya at ginulo ang buhok nya.

"Sige Nathan, ingat ka ah" paalam naman nya sakin.

Matapos namin magpaalam sa isat isa ay sinimulan ko na maglakad papuntang coffee shop.

Habang naglalakad, may biglang sumabay sakin na kotse, binaba naman nito ang bintana ng kotse.
"Mr. Kim, pinapahatid po kayo sakin ni Ms. Son papuntang work nyo" sabi sakin ng driver ni Charlotte.

Ano naman ba to?
Bakit nya ba ko pinahahatid?
Eh minsan nga pagmagkasabay kami, naglalakad lang naman kami papuntang coffee shop, pero ngayon gusto nya ko ipahatid?

Huminto naman ako at nagsalita.

"Nathan na lang po manong, at ok lang po lalakarin ko na lang po dahil di naman po ganun kalayo yung pinagtratrabahuan ko eh" pagtanggi ko sa driver ni Charlotte.

"Pero yun po kasi ang bilin ni Ms. Son Sir Nathan" pangungulit nya sakin.

"Pakisabi po sakanya, kaya ko po sarili ko, at pakisabi na rin po na wag sya mag alala, hindi po ako tatakas sakanya" sabi ko at nginitian si manong sabay naglakad na ulit.

Wala naman na nagawa si manong kaya hindi na nya ko pinilit.

Mga ilang minuto rin ang lumipas ay nakarating na rin ako sa coffee shop.

Pagkapasok ko ay binati ako ni Sam kaya nginitian ko sya.

Dumeretcho na ko sa restroom para makapagpalit, matapos magpalit ay lumabas na ko.

"Ok ka na ba Nathan? Badtrip ka kasi kahapon eh" sabi sakin ni Sam pagkalabas ko ng restroom.

Nginitian ko naman sya para malaman nya na ok na ko.

"Oo, pasensya na kahapon Sam, may problema lang ako nun" sabi ko at nag asikaso na ng mga dumating na customers.

"Ganun ba? Mabuti naman kung ganun" sabi nya sakin na parang nakahinga ng maluwag.

"Teka, yung problema mo ba kahapon, kasama ba dun si short hair girl? Para kasing ang init ng ulo mo sakanya kahapon" biglang tanong sakin ni Sam.

Hindi agad ako nakasagot sa tanong nya sakin.

"Hindi naman, s-siguro napagbuntunan ko lang sya nung araw na yun" palusot ko dahil di ko naman pwedeng sabihin na sya talaga problema ko kahapon.
"Ahh.. Kung sabagay, sakin nga ang sungit mo rin kahapon eh" natatawang sabi nya sakin.

"Pasensya na talaga Sam, kung nasungitan kita ah" sabi ko sabay punta sa counter para makuha ang order ng customers kanina.

"Ok lang yun, naiintindihan ko naman, pero ano ba yung problema mo kahapon? Ngayon lang kasi kita nakitang ganun eh" tanong nya sakin habang kinukuha ang inorder ng mga customers sakanya.

"W-wala naman, stress lang siguro ako nun dahil sa school" palusot ko na lang.

"Oh ayan na pala si short hair girl oh" sabi nya sakin sabay turo dun sa kakaupo lang na customer.

Pumunta pa rin sya, siguro para bantayan ako dito kahit papaano.

"Ano ikaw na ba kukuha ng order nya? O ako na lang?" Tanong sakin ni Sam.

"Ikaw na lang muna, ibibigay ko pa kasi tong inorder sakin nung mga customers kanina eh" sabi ko at dumeretcho na sa mga customers para ibigay ang order nila.

----
Makalipas lang ang ilang minuto ay nakita kong papaalis na si Charlotte.

"Ang aga ata umalis ni short hair ngayon, dati tumatambay pa yun dito ng ilang oras, pero ngayon matapos nya ubusin yung inorder nya umalis sya agad" sabi ni Sam habang nagpupunas ng mga baso sa counter.

Hindi ko na lang sya sinagot at nagpunas na rin ng mga baso.

Ok na rin yun, dahil kapag nakikita ko sya, naalala ko lang yung kasalanan nya kay Ynna.

Tsaka sure ako na chineck nya lang ako, para makita nya kung may ginagawa akong hindi maganda dito.

....At sure rin ako na ayaw nya rin ako makita... Dahil galit din sya sakin dahil sa mga sinabi ko sakanya kagabi... Sana nga lang mamaya pag uwi ko sa bahay nya di nya ko kuryentihin..

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon