Chapter 90

113 8 4
                                    

A/N: iplay nyo lang po yung vid sa multimedia kung gusto nyo, para habang binabasa nyo tong chap may background music kayo haha geh basa na po ulit.

(Nathan in the multimedia)
----

Nathan's POV

Tulala lang ako habang rumaragasa yung tubig sa katawan ko dito sa cr.

Lumipas na ang maraming araw pati linggo pero yung araw pa rin na hinalikan nya ko.... Hindi ko pa rin makalimutan...

Siguro ganun talaga kapag gusto mo yung taong humalik sayo no?

Tatatak na talaga sa isip mo....

Charlotte is not my first kiss... But she's my second and third kiss actually... Dahil nga si Steffanie yung kumuha nung first eh hays... But I hope Charlotte is my last kiss...

"Hays naman!!" Nasabi ko na lang sabay gulo ng basa kong buhok.

Kung ano ano na lang yung pinagsasabi ko sa utak ko tss...

Ni hindi ko pa nga alam kung bakit ako hinalikan ng babae na yun eh.. Trip nya lang talaga gawin yun... Mabuti pa siguro kalimutan ko na yun... Ayoko umasa tss...

"Mabuti pa makapagshampoo na lang" sabi ko at naglagay na ng shampoo sa kamay ko at mabilis na inilagay sa buhok ko tsaka pinatay ang shower.

----
Charlotte's POV

"Dad? Mom? Anong ginagawa nyo dito?" Agad kong sabi at napatayo na sa gulat.

"Bawal na bang umuwi ngayon dito strawberry princess?" Sabi ni dad at agad akong niyakap kaya niyakap ko na lang sya pabalik.

"Oo nga princess, hindi ka ba natuwa sa surprise namin?" Sabi naman ni mom at hinalikan ako sa pisngi at niyakap.

"H-hindi naman mom, nabigla lang siguro ako sa pagdating nyo" nasabi ko na lang at napaiwas ng tingin.

Shit..

Bigla akong kinabahan...

Hindi nila pwede makita si Nathan dito.... They don't know about Nathan....

I need to hide him....

"Halika ka rito, tignan mo tong pasalubong namin sayo" masayang sabi ni dad sakin at pumuntang dining kaya sumunod naman ako.

Puro strawberry flavored na mga pagkain and mga gamit na may designs ng tiger ang nakita kong dala ni dad.

Kahit gusto ko yung mga dala nila sakin, hindi ko kayang maging masaya kasi kinakabahan ako....

Si Nathan..... Shit talaga...

"Oh princess, don't you like it?" Alalang tanong ni mom ng makita nyang walang reaction yung mukha ko sa mga dala nilang stuffs para sakin.

"No, I love it mom... Medyo gulat pa rin kasi ako kaya hindi ako nakapag react agad.." Nasabi ko na lang at matipid na ngumiti sakanila kaya agad naman silang napangiti sakin.

Nakita ko namang dumating si manang na halatang mukhang nagulat din ng makita ang parents ko, nanlaki kasi yung mata nya at natigilan pa sya.

Agad naman syang napatingin sakin na mukhang gulat pa rin kaya napatango na lang ako sakanya at sumenyas sakanyang 'we're dead', bigkas ko kaya halatang kinabahan si manang.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon