Chapter 1

1.6K 17 2
                                    

"Goodluck baby girl! Go get them!"

Sabi ni dad pagkababa ko ng sasakyan. Lumapit ako sa front seat at humalik sa kanyang pisngi bago muling umusad uli ang sasakyan. Kumaway at kumindat pa siya sa akin.

"Bye dad!"

Excited kong wika na nakangiti at kumaway din.

Today will be the beginning of the most memorable journey of my life.
I will make sure of it!

First year college na ako. And I am so excited  and cannot wait to meet new friends here in Brenton International College.

I am homeschooled eversince at ngayon ko lang talaga mai-experience ang totoong school-atmosphere.

Ayaw pa talaga ni dad nung una na pag-aralin ako dito. I am his only daughter at napaka-over-over-over protective niya. Pero dahil nakiusap ako sa kanya ng katakot-takot, yung tipong tatalon-ako-ng-building-kapag-di-siya-pumayag na pakiusap ay  hindi na niya natanggihan ang nag-iisang prinsesa ng buhay niya.

This is it! This is really is it!

I have to find Mandy first. Mandy is my only one bestfriend in life. Hindi siya homeschooled kagaya ko pero we are neighbors kaya naging kaibigan ko siya since I was 3 years old. Iisa na ang hulma ng aming mga bituka sa sobra naming close.

She said maghihintay raw siya sa akin sa labas ng registry office. Nagmamadali akong humakbang papasok sa malawak at marangyang paaralan ng Brenton International College, kung saan nag-aaral ang mga anak ng mayayaman, sikat, at popular na tao sa buong bansa.

I'm not exaggerating, pero a school year's tuition may cost one house and lot in a classy subdivision, with car and parking lot.

I am Isabella Beatrix Villamor-Montenegro. Heiress of Montenegro Group of Companies. And I'm here to make a name for myself. To make my daddy proud.

Taas-noo akong naglakad. My mom taught me how to carry myself with confidence and grace. I can see that everyone is in awe of my beauty. I walked like Pia Wurtsbach on Miss Universe pageant. Lahat na makasalubong ko ay napapalingon. I'm sure of it.

And then something unexpected came.

This demigod came out of nowhere came walking towards me. Biglang tumigil ang mundo ko. All I can hear is the sound of my heart beating. Dub-dub-dubdub-dubdub.

He brushed the locks of hair that falls on his face using his fingers. His smile captivates everyone looking at him. And that sizzling hot bod formed on his  semi-hugging shirt. OMG! Is he an actor? Model perhaps? I'm sure I've seen him somewhere.

He is looking at me right now and I think I fell!
I fell! As in literally.

Hindi ko napansin na may isang elevated step pala sa dinadaanan ko. Shocks! Nakakahiya. Nadapa ako. 

Lahat ng confidence ko sa mundo ay kinain na yata ng lupa. Sana nga nilamon na lang ako ng lupa. Syet talaga.

And the worst part of it, I heard laughters from a distance.

"Are you ok miss?" Oh God, that voice, bagay na bagay sa maganda niyang mukha ang kanyang boses. Hindi boses palaka or inipit sa pinto ng aparador.

Napaangat ako ng paningin, sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. At ang bango niya in fairness. Bagay siyang maging lead actor ng isang vampire movie series.

Feeling ko kakagatin niya ako sa leeg.

I have to think of something. Isip Bella. Daliii!

"Aray!!! Ang sakit! Na-sprain yata ang paa ko...", napangiwi ako na napahawak sa ankle ko na parang namimilipit sa sakit with matching teary-eyes. Ang hirap palang maging mag-artista.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon