Chapter 35

414 9 0
                                    

"I'm so tired."
Reklamo ko na hinihingal.

Nag-hiking ba naman kami ni Luke paakyat ng bundok para mabistahan ang crater ng Taal volcano.

Nandito na kami sa Tagaytay.
Pero dumiretso kami ng Talisay para mabistahan ang lake ng malapitan.
Natakot ako kanina ng sumakay kami ng bangka para tumawid sa island pero sulit naman.

Hinihingal din si Luke. Natatawang inabutan niya ako ng mineral water.

May mga turista kasi na mas piniling sumakay sa kabayo para umakyat ng bundok kesa maglakad.

Pinili namin ni Luke na maglakad, mas memorable yun, at hindi naman nakakabagot pag kasama mo yung taong mahal mo.

Pumunta si Luke sa harapan ko at medyo lumuhod ng patalikod.

"Sakay..." anito.

Gusto niyang mag piggy back ride ako.

"What? Baka mapagod ka mahal ko!" Bulalas ko.

"Hinding-hindi ako mapapagod sayo mahal ko. Sakay na..." Ulit ni Luke.

Nangingiting sumampa ako sa likuran niya.
Ramdam ko ang init ng likuran ni Luke. Feel na feel ko ang pagyakap sa kanya. Inamoy-amoy ko pa ang leeg niya.

"Ambango mo mahal..." bulong ko sa tenga niya.

"Hmmm... me bayad po ang karga at amoy.." sita nito.

"Ok... magkano?" Ako.

"Pwede na ang kiss... kiss mo naman ako mahal... ambigat mo kaya!" Biro nito.

"Hmmm...sige.." natatawang pinupog ko siya ng halik sa mukha habang naglalakad.
Gustong-gusto naman ng gago.

At last nakarating din kami sa taas at may nakita kaming parang mini cottage na gawa sa kahoy.

Siguro sinadyang ilagay yun dun para pahingahan ng mga nag-ha-hiking.

"Haaaah!!" Ibinaba ako ni Luke. Napaupo agad ito sa upuang kahoy na mahaba. Kulang na lang lumawit ang dila nito sa pagod.

Inabutan ko siya agad ng mineral water. Agad naman niyang ininom iyon.

"Gutom ka na ba?" Sabi ko na binuksan ang suot kong backpack at inilabas ang mga binili namin kanina sa drive-thru.

Kumuha ako ng isang Champ burger at inabot iyon kay Luke. Tinanggap naman niya ito.
Kumuha din ako nung sakin tapos kumagat ng burger.

Luke is eyeing at me while I took a bite.
Nakaisip ako ng kalokohan.
I gently licked my lower lip and bit it seductively then I looked at him.

"You're drooling mahal ko!" Kantyaw ko sa kanya pagkatapos ay tinawanan ko.

Napanguso ito.

"Don't ever do that again mahal ko. Baka hindi ako makapagpigil..." Aniya na uminom ng soda sa can.

Natatawang inirapan ko siya.

"Aaaah... sarap ng hangin. Fresh air!" Sabi ko na dumipa sa hangin at ipinikit ang mga mata ko.

Niyakap ako ni Luke mula sa likuran. Napapikit ako. This is heaven.

Feeling ko kami si Yna at Angelo sa Pangako Sa'yo.

Sa kabukiran...

"Mahal ko... ilan ang gusto mong anak?" Ako.
Napaangat ng ulo si Luke na sinilip ako.

"Anak ka jan!? Magtapos ka muna uy." Sita nito.

"Nagtatanong lang naman, di ko naman sinabing ngayon na mismo." Yamot na sagot ko.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon