We went to the Manila sea side instead. Naglakad-lakad lang kami. at nagpahangin.
Hindi naman kami nag-uusap.
"Gusto mo ng fishball?" Tanong ni Will.
"Nope. Yung cotton candy na lang." Sagot ko.
Lumapit kami sa nagtitinda nun.
Tinikman ko ang cotton candy, gusto ko pag natutunaw iyon sa dila ko.
Nakamata lang si Will sa akin na parang may malalim na iniisip.
"Dito ka lang ah, bibili lang ako ng mineral water." Anito na biglang nawala sa paningin ko.
Naubos ko ang cotton candy. Sobrang tamis. Nauhaw tuloy ako. Mabuti na lang may tubig na binili si Will. Inabot niya sa akin at ininom ko naman yun.
"Thanks," I muttered.
"I think we need to go back to my car." Sabi ni Will na nilingon ang nilakaran namin. Medyo malayo na kami.
Naglakad na kami uli sa sasakyan niya.
Wala pa rin kaming napag-usapang importante. Puro casual talks lang.
Pagkadating sa sasakyan ay nakaramdam ako ng antok.
Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari.
Nagising na lang ako ng nakahubad at tanging pang-ibaba na lang ang suot ko.
Napahawak ako sa ulo ko. Pilit kong inaalala ang mga nangyari.
Anong nangyari?
Nasan ako? Kaninong kwarto ito.
Bakit ako nakahubad?
Na-rape ba ako?
Wala naman akong naramdamang kakaiba thanks God! Walang anumang masakit sa katawan ko.
Si Will lang ang huli kong natatandaang kasama ko.
Si Will!!!
Nanlaki ang mga mata ko!
Nasan siya?! Siya ba may gawa nito?
Dali-dali kong hinanap ang mga damit ko na maayos na namang nakatupi sa side table. Sinuot ko agad iyon.
Palabas na sana ako ng kwarto ng bigla iyong bumukas. Sabay kaming nagkagulatan ni Will.
"Will? Anong ibig sabihin nito? Anong ginawa mo sa akin? Bakit ako nakahubad? Pinagsamantalahan mo ba ako?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. Nakamata lang siya sa akin.
"Will... sumagot ka, anong ginawa mo sa akin?" Hinampas ko siya sa dibdib.
Wala pa rin siyang imik.
Tuluyan ng bumuhos ang luha ko na kanina ko pa kinikimkim. Halos manginig ang kalamnan ko sa isiping hinubaran niya ako ng tulog.
"Walanghiya ka Will!! Bakit mo nagawa 'to!"
Pinagsasampal ko siya, kinalmot, pinagbabayo at pinagsusuntok ko ang dibdib niya pero hindi siya natitinag ni gumagalaw.
Nakatayo lang siya na tinanggap lahat ng pananakit ko ni hindi man lang umiilag.
Ako din ang napagod katagalan. Parang nauupos na kandila na napaupo ako sa gilid ng kama.
Tahimik na lang akong umiyak.
"Why???" Tanging tanong ko na lang.
Naglakad palapit sa akin si Will at lumuhod sa harapan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/119788032-288-k99241.jpg)
BINABASA MO ANG
That Kind of LOVE (COMPLETED)
Ficção GeralSi Luke ay walang ginawa kundi asarin at awayin si Bella. Magagawa niya pa kayang asarin ito kapag nainlab na ito ng husto kay Will? ================================ Authors NOTE: Pasensiya na sa wrong grammmar and stuff. Constructive criticisms ar...