Nakahiga ako sa kama na nakadipa at nakatitig sa kisame. Pag nasa bahay ako, hindi ako lumalabas ng kwarto. Mas gusto kong magmukmok na lang kesa kausapin sina dad, mom, Adam and everybody else.
Pinuntahan ako ni Mandy kanina para inggitin sa acquaintance party. Nakakainis siya. Alam kasi nito na hindi ako makakapunta.
Costume party daw iyon at si Hermione ng Harry Potter ang napili nito samantalang si Anton naman ay si Harry Potter mismo.
Oh how I love to see them on their outfits. Nakakalungkot... at hindi ko masisilayan.
Ano kayang costume ni Luke? Ni Will?
Hayy life!!!
Buti pa sila makakapunta. Siguro ansaya-saya dun ngayon.
I heard a knock from the door.
Pumasok si tita mom na naka-smile.
May dala itong box."Guess what Belle?! Pinakiusapan ko ng katakot-takot ang dad mo, kaya pumapayag na siyang umattend ka ng Acquaintance party niyo."
Napatayo ako sa narinig. I can't believe it. Parang imposible.
"Really?!!!" Hindi ako makapagsalita sa sobrang kaligayahan.
"Really!!! But just make sure you won't leave Adams side and you'll be home before midnight." nagsalita si dad sa likuran ni tita mom na pumasok rin sa kwarto.
Tinalon ko si dad ng yakap.
"Thank you dad!!! Thank you!! Thank you!" Pinupog ko siya ng halik.Pagkatapos niyakap ko rin si tita mom.
"Thank you tita mom!""O siya... magbihis ka na at late na kayo ni Adam. " Inginuso nito ang dalang box.
Pumasok si Adam sa kwarto. He's wearing a Batman costume. Seriously? Bruce Wayne?
Labas brief. Hhh.Nakapamewang ito.
"Pakibilisan! Kakanta pa kami..." sabi nito.
Wow! Really? Magpi-perform na sina Adam? I can't wait to see them.
"Anong costume ba 'to tita mom?" Excited kong binuksan ang malaking box.
Oh! Of all the costumes....I'm Batgirl. Napangiwi ako.
Bakit hindi na lang si Catwoman?
"Isn't it wonderful? Batman and Batgirl kayo ni Adam?" Nakangiti si tita mom at dad.
Me choice pa ba ako?
================================
Nagsimula na ang acquaintance party ng dumating kami. Nagsasayawan na ang mga students.
We watched them na nagkakasiyahan sa baba ng gym.
Nasa itaas at madilim na bahagi kami ni Adam ng gym. Feel na feel lang namin ang pagiging Batman at Batgirl.
"Have you seen you friends already?!" Tanong nito.
Napasimangot ako. "Paano ko makikita eh ang layo natin tsaka mga naka costume sila o!"
Hindi pa alam nina Mandy na pupunta ako. Gusto ko silang sorpresahin. Ano kayang magiging reaksiyon nila?
"Here..." may kinuha si Adam sa utility belt nito.
Binoculars? Wow grabe. Parang totoo Batman ah. Putspa!
"Hala! Ano pang laman niyang belt mo ha?" Manghang tanong ko.
"Wala na, yan lang, cellphone at wallet." Anito.
"Bakit ako walang ganyan?" Tanong ko.
"Gusto mo ikaw magsuot nito...o" akmang huhubarin nito ang belt.
BINABASA MO ANG
That Kind of LOVE (COMPLETED)
General FictionSi Luke ay walang ginawa kundi asarin at awayin si Bella. Magagawa niya pa kayang asarin ito kapag nainlab na ito ng husto kay Will? ================================ Authors NOTE: Pasensiya na sa wrong grammmar and stuff. Constructive criticisms ar...