Chapter 23

521 6 0
                                    

Monday.

Kasabay ko na naman si Stephen. Friends na kami although he is very professional and won't show emotions.

I told him he can wait somewhere else and not outside the classroom. Pumayag naman ito.

"Anong balita mga besh? How did the party go? "Tanong ko habang palapit kina Mandy at Anton. Kunyari ay nakikibalita.

Mataman nila akong tiningnan.

"Are you sure you weren't there?" Tanong sa akin ni Anton.

Are you sure you're gay?!

Napakunot-noo ako.

"Huh? I'm grounded nga. Paano ako makakapunta?" Sagot ko.

"Kaya nga imposible... parang ikaw kasi si Batgirl..." nakakalumbaba si Mandy.

"Batgirl?" Lihim akong napangiti.

I feel like a real superhero. May hidden identity. I like Batgirl na, ayoko na kay Wonderwoman.

"Kung hindi ikaw si Batgirl, sino yung kasama ni Adam? Me girlfriend ba si Adam na hindi mo naikukwento besh?" Si Mandy.

"Si Adam? Me girlfriend? Huh! Sino?" Patay-malisya ako.

"Hmp... nevermind." Ani Mandy na umayos na.

Dumating na kasi ang instructor namin.



Nung lunchtime ay inaya kong mag-lunch sina Mandy at Anton sa ibang resto.

Iiwas muna ako sa canteen or sa Dean's cafe.
Ayoko na munang makasalubong o makasabay sina Will. I'll give him more time to heal. Baka kasi mainlab siya uli sa akin pag nakita niya ako. Charlungs!

Masakit din naman kasi kahit papano. May pinagsamahan naman kami ni Will in a short span of time.

Marami na kaming masasayang memories kaya lang mas marami pa rin silang memories ni Nina.

"Besh, alam mo na ba na may girlfriend na si kuya? Her name's Mariz.." pagkukwento ni Mandy.

Magkatabi sila ni Anton sa backseat, habang ako nasa passenger's seat katabi ni Stephen.

Para akong pinagsakluban ng langit at impyerno. So, it's official!

Napakasalaula talaga ni Luke!
Cheater! I hate him!

"Ok ka lang Belle?" Tanong ni Anton na medyo sinilip ako sa harap. Ito kasing si Anton ay si Luke ang bet para sa akin.

Gusto pa akong asarin. Masasabunutan ko na ang baklitang 'to!

"Huh?! Oo naman. Ok lang ako. Ba't naman ako di magiging okay? Wala naman akong paki kay Luke anumang gawin niya sa buhay niya !"

Mariing sabi ko na napahalukipkip at lumingon sa labas ng bintana.

Naramdaman ko ang pagkalabit ni Stephen. Nasulyapan ko siya.

Ininguso nito ang kamay nito na malapit sa kamay ko.

Tissue?

Tinanggap ko yun at pasimpleng nagpunas ng luha.






===============================


Nung umuwi ako kinahapunan ay kinausap ako ni Adam. Gusto niya raw akong isali sa Black Pitch. Mas maganda raw kasi pag may babae sa grupo para may mga variations ang mga kakantahin.

"Ayoko." Mariing sabi ko. Hell no! I would never join a band. Boyband, girlband... or anong banda pa jan.

I would rather be an actress.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon