Chapter 10

480 12 1
                                    

Habang pababa ng sasakyan ay tinanggal ni Adam ang suot nitong sunglasses habang inilibot ang paningin sa kabuuan ng Villa Montenegro.

Nauna akong naglakad kaya sinenyasan ko siyang sumunod. Pinagbuksan kami ni yaya Myrna ng pinto.

Si yaya Myrna na ang nag-alaga sa akin simula nung pumanaw si mama.

"Oh, ang aga mo naman iha, sino itong kasama mo ha?" Nagmano ako rito.

Nilingon ko si Adam at sinenyasan tapos ginaya rin niya ang ginawa ko.

Nagmano rin siya kay yaya Myrna. Napatingin sa akin si yaya Myrna.

"Si Adam po, anak ng mapapangasawa ni dad." Sagot ko sa nagtatanong niyang mga mata. Napa-O ang kanyang bibig.

"Andun sina dad mo at Mam Elizabeth sa study room..." nakangiting sabi nito.

Tumaas ang kilay ko. Really? Nagdilang-anghel pala ako kung ganun.

"Come, puntahan natin sila..." aya ko kay Adam na walang kaimik-imik na sumunod sa likuran ko.

"Dad!!!" Ako.
"Mom!!!" Si Adam.
Magkasabay kaming napasigaw.

Oppppsssie!!! Nahuli namin sila sa akto. Nagki-kissing scene lang naman sila sa study room. Nakakasuka. Nakalimutan ko din kasing kumatok sa pinto.

Dagli silang naglayo at gulat na tumingin sa amin. Palipat-lipat ang mga mata nila sa amin ni Adam. Ganun din kami ni Adam sa kanila, palipat-lipat rin ang tingin.

Awkwarddd!

"Bakit ang aga niyo, uwian na ba?" Medyo nakabawi si dad at nagtanong.

"Me intercollegiate game kasi kanina kaya walang pasok." Sagot ko.

"Bakit nga pala kayo magkasama?" Tanong ni tita E.

"She invited me here..." sagot ni Adam sa mama niya.

"Well, since we're all here, mag-barbecue party tayo." Masiglang sabi ni dad.

Natuwa naman agad na sumang-ayon si tita E.

"Great idea! Maghahanda na ako ng mga pwedeng i-grill sa kusina. C'mon Adam." Aya nito kay Adam na hinawakan sa braso at hinila palabas ng study room.

Itinaas ko naman ang kilay ko kay dad na napapailing. He is guilty as charge pero nakangiti naman siya ng pilyo. Kita ko sa mukha niya ang kasiyahan.

"Let's go outside princess, tuturuan kitang magpabaga ng uling..hehe." Inakbayan niya ako at giniya palabas.

"Dad!!" Reklamo ko.  Meron naman kaming electric grill ah.

While nililinisan ni dad ang grill na medyo matagal ng hindi nagagamit, inayos ko naman ang table na kakainan namin.

Nagpakuha ako ng mga plates at utensils sa helper.
Malapit lang ito sa poolside. Baka mamaya ay maisipan naming mag-swimming.

Maya-maya ay dumating  sina Luke at Mandy, parang kararating lang nila galing sa school. Nagtama ang paningin namin ni Luke. Para siyang nakahinga ng maluwag.

"O kids! What's up?" Si dad.

"Hi tito!!" Nagmano ang mga ito kay dad.

"We were just checking up on Belle...I'm glad she's alright."  Si Luke. 

Lumapit si Mandy sa akin na nangungusap ang mga mata. Parang sinasabi nito na..." kwento mo na daliiii!!!!" Sabik na sabik na itong malaman kung anong nangyari kay Adam.

Tiyak na mahihimatay siya mamaya kapag nalamang nandito si Adam sa bahay. Napangisi ako.

Nagtatanong ang mga matang napatingin sakin si dad.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon