Book 2.2

434 9 0
                                    


His hands were on his pocket. He is the epitome of hotness and authority in one. His eyes looks tired and his hair disheveled but his dominating and intimidating aura remains.

Para akong nakaharap sa boss ko and he was about to fire me any minute.

I can see the glint of fire in his eyes kaya kinabahan ako.

"L-Luke..." I stammered as I called his name.

"Did I wake you up?" Malamyos na sabi nito.

Napailing ako.

"No, I was just about to go to sleep." Sagot ko.

"Can I come in?" Nakapamulsa pa rin ito na nag-aalangang sumilip sa kwarto ko.

Can he? Papapasukin ko ba siya uli sa buhay ko? #hugot

Pinalawak ko ang siwang ng pinto ng kwarto ko para makapasok siya.

Naasiwa ako sa titig niya ng makapasok siya sa kwarto ko.

"How are you Bella?"

Seryosong tanong nito na matiim akong tiningnan.

"I'm fine Luke." Ako.

"You look great!" Siya.

"Thanks, you too!" Ako.

Katahimikan. Nagyuko ng ulo si Luke.

"I'm sorry for what happened before..."
he looked uneasy. He combed his hair using his fingers then put it back on his pocket.

"It's ok Luke. Past is past. Ibaun na natin sa limot." Sabi ko.

Pinilit kong maging chill lang ang boses ko kahit tensed na tensed ako.

Napaangat siya ng tingin na parang nalungkot.

"Really? Nilimot mo na?"

"Nilimot ko na ang mga masasakit na alaala." Sabi ko na umiwas ng tingin.

Muling napayuko si Luke na napabuntong-hininga.

"Ah, I see... Alam ko na ang totoo, I know it's not your fault...I'm so sorry if I misjudged you."

Napamulagat ako sa kanya.

"Huh? Paano mo nalaman?" Ako.

"Will told me..." anito.

Talaga? Sinabi niya iyon?

"When did he tell you?" Tanong ko.

"A month after you left..." malungkot ang boses nito.

Napanganga ako.
A month? Ganun?!

He knew and he never bothered to tell me?
Sobra isang taon akong nagdusa at nagdalamhati.

I feel sudden rage inside. How could he let me suffer for so long?

Parang biglang bumalik ang sakit ng kalooban ko.

Sayang lang pala yung pag-e-emote ko dati, ang timba-timbang niluha ko, ang mga gabing hindi ko tinulugan.

Pwede naman palang hindi mangyari ang mga iyon.

"You must have hated me that much kaya hindi ka man lang tumawag huh?!" May pait sa boses na sabi ko.

"I'm sorry Bella... I was so lost during those times. " sagot nito sa mababang boses.

"Lost?" Ulit ko.

"I was lost without you...nawalan ng direksiyon ang buhay ko... " anito na tiningnan ako sa mata.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon