Nagising ako sa ring ng phone ko.
Nakapikit pa ang mga mata na kinapkap ko ang phone sa kung saan.
"Hello...??"
"Hay salamat nagising na ang mahal na prinsesa..." boses ni Will.
Napangiti ako.
"Good morning BF ko!"
"Good afternoon na po! Yung party mamayang alas-tres baka nakalimutan mo, wag kang male-late." Anito.
Napatingin ako sa wall clock sa kwarto ko.
I'm shook. Mag-aala-una na? Wala man lang gumising sakin?Kung kaharap ko si Will malamang nakasimangot na ito.
Nakalimutan ko na birthday ni Grace ngayon. Wala pa talaga akong gift.
Hay! Na-hook kasi ako dun sa Koreanovela na pinanood ko kagabi.
Ang gwapo ni Lee Min Ho.
My God!"Belle, anjan ka pa ba? Ano ba.... nakatulog ka ba uli?!" Medyo inis na ang boses nito.
"Huh? Oo, I heard you, di ko nakalimutan ang party ah, ako pa...see you later oppa..." pinalambing ko ang boses ko.
"Huh? Sinong oppa? Belle?!"
Napangisi ako. Hay naku ito talagang si Will. Hang kyut!
"Sige na... babay na! Annyeonghigaseyo..." sabi ko na lang tapos pinindot ko ang end call.
Nagmamadali akong nag shower at nagbihis. Children's party naman yun kaya nagsuot lang ako ng maong jumpsuit, put on a light makeup and yeezy shoes.
"O san ka pupunta? Hindi ka pa kumakain." Tanong ni yaya Myrna ng makita ako.
"Birthday Party po..." tipid kong sagot.
Nagbukas ako ng ref at kumuha ng energy bar. This will do, I thought. Binuksan at kinagat ko agad yun.
"Magpaalam ka sa kuya mo ah..." paalala ni yaya.
"Ok yaya..." ako.
I immediately went to the basement. Dinikit ko ang mukha ko sa pinto. Parang may kumakanta.
Nag knock ako, tumahimik.
"Pasok..." boses ni Adam.
Binuksan ko ang door. Nakatingin silang lahat sa akin na para bang nakakaistorbo ako.
Andun din sina Jacob, the organist at McKenzie, the drummer.
I assume si Adam ang bass guitar at vocalist?"Hi Bella..." napalingon ako sa boses.
Si Mariz?
What is she doing here?!
Kinawayan ko siya."Hi!"
Sinama ba siya ni Luke dito sa bahay? Malamang.
Ibig sabihin they're that close na? Geez!Si Luke nasa stool na may hawak na gitara at nasa harap ng bilog na microphone. Siya ba yung kumakanta? I guess siya na rin ang isa pang vocalist. Nakakunot ang noo na nakatingin siya sa akin.
"Ano?!" Pamalditong sabi ng half-brother ko na nakamata.
"I'm going out!" I blurted out.
Wala man lang kaming privacy, magpapaalam lang ako kailangang may audience?
"San ka naman pupunta?!" Anito, parang naging si dad si Adam sa tingin ko.
Nagtanong pa ang gago."Kina Will..." bulong ko na inilapit ko pa ang bunganga ko sa tenga niya.
"Saan?" Malakas na ulit ni Adam.
Kingina! Napamura ako sa isip ko. Inulit pa talaga.
"Kina Will! Birthday ng kapatid niya!!!" Pasigaw kong sabi sa kanya.
Nakakainis lang!
"Ok... ingat ka sis!"
Nalaglag ang panga ko sa sagot ni niya. Ganun lang?!
Napangisi ito ng nakakaloko.
Grrr! Loko to ah. Inasar lang pala ako. Pinahiya pa.
Inis na nagwalkout ako ng marinig kong magsalita si Luke.
"Anong oras ka uuwi?" Anito.
Hindi ako lumingon.
"Huwag niyo na akong hintayin! Dun na ako matutulog!" Pang-aasar ko rin at nagmamadaling umalis.
"Bella!!!" Napangisi ako ng marinig ang galit na sigaw ni Adam.
Luh. Nagbakasyon nga pala si Mang Nestor, yung driver ni dad. Pinagbakasyon ito ni dad at babalik din pagbalik nina dad.
Dapat talaga nag-aral akong mag-drive eh. Si dad kasi....
Paano ba to? Ayoko namang magpahatid kay Adam. Tsura nun, makikiusap pa ako. Never! Eh di masaya siya.
Mag-uber na lang ako o di kaya grab.
Inilabas ko ang phone ko at kumontak ng taxi sa grab app.
Nagdahan-dahan akong naglakad palabas ng subdivision. Medyo malayo ang main gate ng subdivision eh.
Tsk! Walang available na malapit sa area.
May naramdaman akong sumabay sa paglalakad ko na sasakyan. BMW. Bumukas ang drivers window.
"Maglalakad ka na lang ba? Sakay na, ihahatid na kita." Anito na tuwid ang tingin sa daan.
Is he for real?!
Pakipot pa ba ako? Dahan-dahan akong naglakad at sumakay sa passengers seat.
"Gamsahamnida..." nahihiyang sabi ko na medyo yumuko.
"Tsss...Koreana ka na?" napapailing na natawa ito.
Inirapan ko siya.
"Paano nga pala si Mariz?" Tanong ko.
"Babalikan ko naman yun dun. Sandali lang naman to." Sagot nito.
"Ok. Daan muna tayo sa mall please, bibili pa ako ng gift." Sabi ko.
Sinamahan ako ni Luke maghanap ng panregalo sa Toy Kingdom, pero wala akong magustuhan.
Medyo hindi na kasi bata si Grace at baka di na nito magustuhan ang mga barbie dolls.
Luke suggested a polaroid camera instead. So yun na lang ang binili ko.
Tama lang ang oras. 15 minutes to three nasa bahay na kami nina Will.
Nagpasalamat ako kay Luke ng makababa ng sasakyan niya. He opened the drivers window.
"Gusto mo bang sunduin kita mamaya?" Tanong nito.
"Wag na...ihahatid na ako ni Will pauwi."
"Wag ka masyadong magpapagabi ah." Anito.
Himala. Ang bait ni Luke ngayon."Oo, maaga naman ang party kaya tiyak na maaga akong makakauwi." Sabi ko.
Hindi ito umimik.
"Sige, papasok na ako ha..." paalam ko at tumalikod na.
"Belle..." tawag ni Luke kaya nagtatanong ang matang nilingon ko siya.
"Sarangghaeyo..." sabi nito pagkatapos ay pinasibad ang sasakyan.
Naiwan akong nakanganga. Ano raw?! Japanese ata yun?
BINABASA MO ANG
That Kind of LOVE (COMPLETED)
General FictionSi Luke ay walang ginawa kundi asarin at awayin si Bella. Magagawa niya pa kayang asarin ito kapag nainlab na ito ng husto kay Will? ================================ Authors NOTE: Pasensiya na sa wrong grammmar and stuff. Constructive criticisms ar...