Book 2.1

428 9 6
                                    


"Uy, ano ka ba Stephen, kung makahabilin, wagas... hindi pa ako mamamatay ui... uuwi lang ako ng Pilipinas tapos babalik din ako dito after one week!"

Reklamo ko kay Stephen na inihatid ako sa airport. Nagpaiwan na sa bahay sina Jasmine at Kylie.

Pinitik niyo ako sa noo.

"Huwag kang magsasalita ng ganyan... Sinasabi ko lang naman yung mga tinuturo ko sa'yo. Behave ha? Wag puro kalokohan. Act like a lady... prim and proper..". Patuloy na sermon pa rin nito.

Napa-eyeroll naman ako.

"Oo na! Ako na si Maria Clara pagdating ng Pilipinas..." sabi ko na para lang matigil.

Hay naku itong si Stephen talaga...

"O siya, pumasok ka na sa loob baka maiwanan ka ng eroplano." Sabi nito pagkuwan.

Napangiti ako na niyakap siya na sinuklian naman niya ng yakap din.

"Salamat Stephen... take care of Jasmine and Kylie ok. Wag kang magloloko!" Sabi ko na nagbibiro lang.

Mabait talaga si Stephen at alam kong hindi nito pababayaan ang pamilya niya.

How I wish kagaya niya ang mapapangasawa ko.

"Why do I have this feeling na hindi ka na babalik?" Anito na parang malungkot.

Nakayakap pa rin siya sa akin kaya tinulak ko siya para makita ko ang mukha niya.

"Huh? Bakit naman hindi na ako bababalik? Baka naman ayaw mo na akong pabalikin? Nahihirapan ka na sa akin no? " sabi ko sa kanya na napalabi.

Natawa ito ng maikli at ginulo ang buhok ko.

"Minsan gusto na talaga kitang pauwiin..." anito pero alam ko namang joke lang yun.

"Ganun?! Sabi ko na nga ba..." napasimangot ako.

Napahalukipkip ito at nagseryoso.

"Tawagan mo ako agad kapag nakarating ka na ok? Pakisabi na lang kay Mandy, congratulations..."

Tumango ako.

"Sige, papasok na ako Stephen. Babay." Inihanda ko na ang luggage ko para hilahin.

"Bye Belle!!' Have a safe trip." Itinaas nito ang isang kamay para mag-wave.

Ngumiti ako at nag-wave din bago tumalikod.






================================

"...On behalf of Philippine Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice stay!"

Narinig kong wika ng piloto. Napadilat ako at nag-stretching sa upuan.

Tulog pa rin ang katabi kong matandang babae. Ginising ko siya sa pag-aalalang hindi na siya humihinga. Wala kasing kakilos-kilos.
Nakahinga ako ng maluwag nung nagising naman. Almost 20 hours din kaya ang byahe at nakakapagod.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon