Adam was in bed tapos nilalagyan ng bandage ni Mariz ang kaliwang braso niya at kamay.
Nakasuot ng puti si Mariz na tingin ko ay on-duty ngayon. I forgot she's a nurse... nursing student. Nagmukha siyang anghel sa suot niya.
Nakapalibot naman silang lahat na pinanonood ang ginagawa ni Mariz.
Tingin ko hindi naman malala si Adam.
"What happened!" Tanong ni tita.
"He was performing tita tapos naaksidenteng nahulog siya sa stage. He used his arms as a brace para proteksiyonan ang ulo niya. He hurt his arms so badly." Si Luke ang sumagot.
Huh?! Ang tanga ng stage! Hinulog si Adam! Hahaha!
Gusto ko sanang asarin si Adam kaya lang baka pagalitan ako ni dad.
So I kept quiet.
"Oh my poor baby! May iba pa bang masakit sa'yo? Have they checked you up?" Niyakap ni tita si Adam. OA lang.
"I'm ok mom! Medyo masakit lang ang kamay ko at namamaga but I'm okay!" Sagot naman nito.
"Hinihintay na lang namin ang x-ray results, pina x-ray namin siya just to make sure." Wika ni dad.
Napatangu-tango naman si tita mom.
"Akala namin kung napano ka na..." sabi ko kay Adam.
"Mabuti na lang at may kaibigan kayong nurse, naasikaso agad si Adam. " napangiting tumingin si dad kay Mariz.
Excuse me dad!
Hindi pa siya pumasa sa board exam!
Kung maka-nurse naman itong si dad...hmp!"Oo nga po tito, iba talaga pag may nurse na girlfriend, masyadong maalaga, I think maghahanap na rin ako ng nurse ko." Pagbibiro ni McKenzie na tumingin kay Luke.
Para namang proud naman ang huli.
"Swerte ko nga eh..." sagot din ni Luke na napasulyap kay Mariz tapos tinitigan ako.
Yuck! Hindi nakakakilig ok?
Napa-eyeroll ako.Napaismid ako at naglakad sa dulo ng kwarto na hinila si Mandy.
May itatanong lang ako.
Nakasunod naman si Anton.
"Bakit kayo magkakasama ha?" Parang nanunumbat na tonong tanong ko sa kanila sa mahinang boses.
"I'm sorry besh, nanood kasi kami ng gig nila. Hindi ka na namin sinama kasi alam naman naming di ka pupunta di ba?!" Sagot niya sa tanong ko.
Napasimangot ako ng napahalukipkip.
"So? Nagsesekreto na kayo ngayon?! Eh di kayo na!" Nagtatampo kong sabi.
"Eto naman, sorry na girl! Ang totoo... Binabantayan namin si Luke..." bulong ni Anton sa tenga ko.
"Hmmmp! I don't buy it." Sabi ko na nakasimangot pa rin.
Maya-maya ay may kumatok sa kwarto at pumasok ang doktor na may mahabang puting coat at may nakasuksok na stethoscope sa bulsa.
Nanlaki ang mga mata ko nung mapagsino ang doktor... si Kyle.
Dumiretso ito sa tabi nina Adam kaya hindi niya ako napansin na nasa loob din ng room.
Kinikilig na kinurot ako ni Mandy.
"Oh my God! Ang yummy ng doctor besh! Magkakasakit yata ako... parang gusto kong magpa-confine." Bulong nito sa amin ni Anton.
Pinandilatan naman siya ng mga mata ni Anton.
"Ah tito, tita, siya nga po pala si Dr. Kyle, pag-aari nila ang hospital na 'to..." parang kumikislap ang mata ni Mariz habang pinakilala si Kyle kina dad.
Luh! Lumalandi ang bruha!
"Shit! Yayamanin pa! Sa kanila ang hospital na'to, what a catch! " Bulong na naman ni Mandy.
Sinenyasan ko siyang tumahimik.
"How's my son doc?" Tanong ni dad.
Nag-explain naman si Kyle.
"So far ay normal naman ang kinalabasan ng x-ray niya. Wala namang fractures. Konting pamamaga lang. I will give him meds para magsubside ang inflammation and pain reliever. Aside from that, pwede ng umuwi ang pasyente. He can go back to singing... " ani doctor Kyle na nakangiti.
Nagpasalamat naman si Adam na parang nakahinga ng maluwag.
"Oh! That's a relief! Thank you doc!" Saad ni tita na kinamayan ang doctor.
Pati si dad ay nagpasalamat din at nakipagkamay.
"Walang anuman. Sige po maiiwan ko na kayo..." anito na tumalikod kina dad, nagkataon namang napaharap siya sa amin nina Mandy.
"Bella?!"
Napatda ito ng makita ako. Pero ngumiti agad ng malapad nung makabawi.
"Magkakilala kayo!?"
Mahinang tanong ni Mandy at Anton. Nangunot ang noo nila.Pati sina dad ay napatingin sa amin.
"What are you doing here? Kaanu-ano mo ang pasyente?" Tanong ni Kyle.
"Uhm... he is my brother!" Sagot ko na nahihiyang ngumiti.
"Ahhh! Now I know! Kaya pala magaling kang kumanta, kapatid mo pala ang vocalist ng Green Mystery..." naa-amazed na sabi ni Kyle.
"What? Kinantahan mo siya besh?" Bulalas ni Mandy. Umeepal talaga eh.
Naging interesado sina dad na nakinig.
Naningkit ang mga mata ni Luke na ikinatuwa ko ng lihim.
Huh! Jealous! Gotyah!
Natawa si Kyle.
"Actually nag duet pa nga kami...right Belle?"
Napangisi naman ako."What?! Ano namang kinanta niyo?" Si Adam na na-curious.
Nakangiting tumitig na sa akin si Kyle na tumaas-baba ang kilay. I think we're gonna sing. Lol!
Pai-inggitin ko si Luke. Haha!
But with you..
But with you..
I found my place/ I see your face...and it's nothing like I've ever known before...
Love is an open door!!!Yun lang na linya ng kanta ang kinanta namin.
Sabay kaming napabungisngis pagkatapos.
It's like a private joke na kami lang ang nakakaalam."Uhmm, siyanga pala Kyle, this is my bestfriend Mandy and Anton...." pagpapakilala ko sa dalawang kanina pa atat makilala si Kyle.
Parang na starstrucked si Mandy na nakipagkamay.
Pinakilala ko uli ng pormal si Kyle kina dad at tita mom.
"Masuwerte po kayo sa anak niyo Mr. and Mrs. Montenegro. Not only that she's a very talented young lady, she's also very beautiful with a heart..." Ani Kyle na sumulyap sa akin.
Pwedeng matunaw sa kilig? Gusto ko siyang palakpakan sa pang Miss Universe niyang sagot.
"Sige po, nice meeting you all. May rounds pa ako." Paalam ni Kyle.
Tinanguan ko lang siya.
"Bye Belle, see you on Tuesday!" Anito na kumindat pa at lumabas na ng kwarto.
Sumunod naman rito palabas si Mariz na nag-paalam na rin. Di pa daw tapos ang duty nito.
Hinarap ko ang mga mata ni dad na nagtatanong while ang mga mata naman ni tita mom ay nanunukso na nakangiti.
Pati sina Adam, Mandy at Anton ay naghihintay ng explanation.
Nakangiti lang sina McKenzie at Jacob.
Umiwas naman ng tingin si Luke na napatiim-bagang.
"What? Kasama ko siya sa Club..dun kami nagkakilala, ok?" Bulalas ko.
Napa SMH si dad. I know that look.
Iniisip sigurado niya na nag-join lang ako sa club dahil kay Kyle?
Luh! Sinasabi ba ni dad na malandi ako?
Huh!?"What club is that? We wanna join too!" Ani Mandy na nakangiti.
BINABASA MO ANG
That Kind of LOVE (COMPLETED)
General FictionSi Luke ay walang ginawa kundi asarin at awayin si Bella. Magagawa niya pa kayang asarin ito kapag nainlab na ito ng husto kay Will? ================================ Authors NOTE: Pasensiya na sa wrong grammmar and stuff. Constructive criticisms ar...