Chapter 29

388 6 1
                                    


"Bakit hindi ka pumasok kahapon? Saan kayo nagpunta ni Will?"

Ke-aga-aga ay inuusig ako ng dalawang to.

Napairap ako.

Hay! Kung alam niyo lang ang dinanas ko kahapon...but of course I won't tell them.

Nag-usap na kami ni Will, kami lang dapat dalawa ang nakakaalam nun.

"Nagpahangin lang sa Manila Bay..." maikli kong sagot.

"O, ok na ba kayo ni Will? Past is past na? Let bygones be bygones? All clear?" Biro ni Anton.

Napabuntong-hininga ako. Nanahimik na lang ako at nagkibit-balikat.

"Mabuti kung ganun." Saad ni Mandy.

Nung lunchtime ay nagpalinga-linga ako, baka biglang dumating si Will dito sa canteen, pero wala.

Para namang nabasa niya isipan ko at biglang nag-text.

May ensayo raw ito sa basketball at puspusan na ang pag-eensayo nila dahil malapit na ang championship game.

Baka raw hindi kami magkita sa mga sumunod na araw dahil busy sila sa practice.

Nakahinga ako ng maluwag.

"K..." yun lang ang reply ko kay Will.

"Kelan ba ang championship game?" Tanong ko kina Anton.

"This Friday na. Sa MOA gaganapin. Ano? Manonood ka na ba?" Sagot nito.

Huh? This Friday na pala?

"Sige na besh... manood tayo! Let's support our school ah! Tsaka si Will!" Sabi din ni Mandy.

"Sige..." sabi ko na lang.

Napa-yehey ang dalawa sa narinig.




Kinahapunan nga ay sinundo ako ni tita mom.

I invited Mandy and Anton pero tumanggi sila. Me gagawin pa daw.

Nagtataka talaga ako sa dalawang iyon. Laging may ginagawa. Ano kayang pinagkakabisihan nila?

Hmmmmm....



"You wanna go grab something to eat first?"
Tanong ni tita mom. Siya ang nagmamaneho ng kotse.

Bakit kaya si tita pinayagan ni dad na mag-drive? Sabagay, di pa din naman ako pwedeng makakuha ng drivers license.

"Kayo po." Maikling sagot ko.

Pumunta kami sa Mary Grace at nag-order ng food.

"So, how's your studies?" Panimula ni tita.

"I'm doing great on my academics now tita..." sagot ko.

Totoo naman yun.
Nag-aaral na akong mabuti ngayon.

"That's great. Your dad will be proud." Masayang sabi nito.

Bigla akong nalungkot ng maisip si dad.

"Is dad angry at me tita mom? Bakit parang iniiwasan niya ako tapos hindi na siya sweet sa akin tapos bahala na daw ako sa buhay ko sabi niya..." pag-oopen up ko kay tita mom.

Ngumiti siya sa akin.

"No of course not princess, pareho lang kayo ng dad mo ng nararamdaman actually, he is also adjusting. Kelangan niyang matanggap na hindi habang buhay na naka-depende ang buhay mo sa kanya."

Napakurap-kurap ako kay tita mom.

"Nahihirapan din siya alam mo ba? Nami-miss ka niya Belle. At nag-aalala siya sa'yo sa maaring gawin mo sa buhay mo kapag hindi siya ang nag-desisyon para sa iyo.."

Gusto kong maluha sa narinig ko.
Hindi naman kailangang si dad na lang lagi ang nag-dedesisyon sa buhay ko.
Tama siya, malaki na ako at dapat ako na ang tumayo sa sarili kong mga paa.

"May tiwala si dad mo sa'yo Belle, kaya wag mong sirain yun. Make the right choices ok?" Ani pa ni tita mom.

Napakagat labi ako. Nakakalungkot lang dahil parang yung mga wrong choices ko before ay nagkaroon ng complications ngayon.

After we ate, we went shopping.

"Belle, you're a grown up lady now kaya stop wearing na mga pambatang damit, you know, the unicorn thingies? I will be your stylist from now on if ok lang .." ani tita mom.

"Are you out of your mind tita mom? Of course! I want that... no scratch that... I love that!" Namimilog ang matang sabi ko.

Natutuwa naman siya sa reaction ko.

"You know, I dreamt of having a daughter and dressing her... eto na yun! Ikaw na talaga yun." Natatawang sabi ni tita mom.

She choose clothes for me, pati na rin shoes and accessories. Ang saya-saya lang. Siguro kung buhay pa si mommy ay ganito din ang ginagawa namin.

"Tita, tama na siguro 'to! Andami na nito. Malapit na nating ma-max ang credit card ni dad!" Biro ko sa kanya.

Pareho kaming natawa.

"Oo nga, hiningal yata ako sa kakalakad!" Ani tita.

Walang anu-ano'y tumunog ang cellphone ni tita.

Sinagot niya iyon dahil baka importante.

"Hello? What?! Where!?" Bakas sa magandang mukha ni tita ang pagkagulat at pag-aalala.

Nagtaka din ako at nag-alala.

"Ok. Pupunta na kami jan!!!" Malakas na sabi nito.

"What happened tita?" Tanong ko sa kanya na
kinakabahan dahil para siyang namutla.

"It's Adam, naaksidente raw sa gig, he's in the hospital!" Bulalas nito.

"Anooo?!" Napasigaw ako.

Nagmamadali kaming umalis para puntahan si Adam sa hospital.

Mabilis na nagmaneho si tita.

"We should inform dad..." sabi ko.

"He knows, he's there already, siya ang tumawag sa akin." Ani tita.

Medyo kumalma naman ako. Andun na pala si dad.

We rushed to the nurse station to ask and she directed us to the room number and floor.

Nagmamadali kaming pumunta sa room ni Adam.

I didn't expect to find everyone in there.

Adam, dad, Jacob, McKenzie, Mandy, Anton, Mariz and Luke....

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon