Book 2.3

549 12 2
                                    

"Kelangan talaga kami ang kukuha?"
Hindi ako makapaniwala kay Mandy.

Gusto niyang kami ni Luke ang kukuha ng wedding gown niya at ang mga susuotin ng mga abay sa shop ng sikat na designer na si Mikky Cinco.

"Please besh... ngayon yun kukunin, hindi ko kasi alam kung anong oras matatapos ang confession namin ni Anton kay Father Bo, papuntang Dubai si mama Mikky mamayang hapon at baka hindi na namin aabutan. Kung may mga changes maihahabilin pa niya sa mga tauhan niya. Please besh...please...please!!" Pakiusap ni Mandy. Nag-puppy face pa ito.

Napabuntong-hininga ako.
"Ok fine!" Sabi ko para matigil na siya.

"Tatawagan ko si mama Mikky para i-inform siya na kayo ang pi-pick-up ok? Thanks talaga besh..." ngiting-ngiti ito.

"Kaya ko naman kahit ako na lang mag-isa ang kukuha, bakit kailangang kasama pa si Luke?" Naisipan kong itanong.

Napapansin ko kasi na sina dad, tita mom, si Mandy, Anton, ang parents ni Mandy, parang bini-build-up nila kami ni Luke... hmmm. Something fishy!

Kahit wala sa topic ay lagi nilang isinisingit si Luke para lang mapag-usapan.

"Why? Bakit kelangan mong mag-isa eh nandiyan naman si Luke na handa kang samahan?" Nakangising sabi ni Mandy na nagtaas baba ng kilay.

Napapailing na tinitigan ko siya na parang diskumpiyado.

"Teka, ayaw mo bang makasama si Luke? Akala ko ba ok na kayo? Sabi mo friends na kayo di ba? Bakit ba parang iniiwasan mo siya?" Ani Mandy na mapanuring tinitigan ako sa mata.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Hindi naman sa iniiwasan ko siya...eh di ba nga busy yun? Wag na nating istorbohin..." Ako.

"Hmmm... ikaw ha! Aminin! May feelings ka pa kay kuya ano?" Ani Mandy na nanunukso.

"Heh! Wala na noh! Ang awkward lang kasi..." angil ko sa kanya.

Ang awkward kasi talaga dahil baka may feelings pa si Luke sa akin. I don't know how to act towards him. Baka ma-misinterpret niya ang friendliness ko into something different, tapos hindi ko din naman kayang maging distant at indifferent sa kanya. I'm torn in half.

"You know besh, why don't you give yourselves a second chance, you know what they say... love is sweeter the second time around!" Ani Mandy na binuntotan ng tawa ang sinabi at kumindat pa.

Napapailing akong napa-eyeroll sa kanya.

"Umalis ka na nga at baka magbago pa ang isip ko..." asar ko sa kanya.

Biglang natigil ang pagtawa nito. Hahaha.

"Ok... ok... I gotta go. Talk to you later besh! Goodluck sa inyo ni Luke..." nagbeso-beso ito sa akin at nagmamadaling umalis na humahalakhak.

Naiiling na sinundan ko siya ng tingin.




================================



"Iha, nasa labas na si Luke..." tawag ni yaya Myrna.

I glanced myself in the mirror one last time.
I wore a body hugging nude semicon dress and put on a light make-up.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon