Chapter 34

418 7 2
                                    

Napabalikwas ako ng bangon.
Inikot ko ang paningin sa buong kwarto.
I was in my own room.

What the...?!!!

Panaginip lang ba yun lahat?
It was all too real.
I'm so disappointed na isinubsob ang ulo ko sa unan.

Waaahhhhhh!!!!!

Napaangat na naman ako ng ulo.
Tama! I'll check on Adam's room.
Tumakbo ako palabas at pumunta sa room ni Adam.

Walang tao. Wala si Luke.
Ang sabi niya sa studio siya matutulog kaya dali-dali akong bumaba at pumunta dun.

Andun nga sya sa couch at tulog na tulog.
Ibig sabihin may posibilidad na totoo yung kagabi?

"Adam! Hoy! Adam!!!" Gising ko sa kanya.

"Go away!!!" He murmured and turned his back on me.

" Adam! Me itatanong lang ako." Yugyog ko sa kanya.

"What!?" Nakatalikod pa rin ito na duda ko nakapikit pa rin.

"Dinala mo ba si Luke sa kwarto mo kagabi?" Tanong ko.

"Yeah..." yun lang sagot niya tapos natahimik uli. Nang silipin ko ay tulog na tulog uli.

Napa-yes ako na walang sound.
Paano kaya ako napunta sa kwarto ko? Malamang kinarga. Alangan namang hinila? Luh?

Nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko.
Saka ko lang napansin ang sticky note na nakadikit sa salamin ng vanity desk ko.

Date @ 9:30. See U Mahal ko!

Gusto kong maglupasay sa tuwa.
Totoo nga! It's so f**king real!
Takbo agad ako sa bathroom para maligo.
Oh my God!!! I can't believe it!
I am so excited.

I opted for a simple mint green floral dress na binili namin ni tita mom. Then I just wore a flat sandal.

Napalingon sina tita mom at dad sa akin ng makita akong pumasok sa dining hall.

"Good morning!!!" Masaya kong bati sa kanila.

"Where are you going?" Tanong ni dad.

"Uhmmm... date..." maikling sagot ko na ngiting-ngiti.

Naglagay ako ng orange juice sa baso at naglagay ng guava jelly sa bread.

Nakamasid lang si dad ng seryoso.
Nakangiti lang si tita.

"With Will?" Tanong ni dad.

Napaangat ako ng ulo.
Hala, sasabihin ko bang si Luke ang ka-date ko?
Baka magtaka sila.
Eh si Will yung bf ko.

Tumango na lang ako.

Gusto kong mabilaukan sa sandwich na kinakain ko dahil sa pagsisinungaling ko. Parang bumabara sa lalamunan.

"Bella... ipinagpaalam ka sa akin kanina ni Luke, you don't need to lie about it." Seryosong sabi ni dad.

Nagulat ako sa narinig.
Nabilaukan na nga talaga ako.
Napaubo ako ng sunod-sunod.
Dali-dali kong ininom ng juice.

"Alam mo dad? Tapos nagtatanong ka pa?" Maang na sabi ko sa kanya.

Napa-eyeroll si Nathan.

"Isabella, gusto kong ayusin mo yan ha...pinalaki kita ng maayos, wag kang pumasok sa mga bagay na pagsisisihan mo bandang huli. Don't play with fire or you'll get burned." Matalinghagang sabi ni dad.

Napatitig ako kay dad na nag-iisip ng isasagot ko.
Don't play with fire?

"Ok dad..." pagkuwa'y malungkot kong sabi. Tatahimik na lang ako.
Di ko talaga maintindihan eh.
Tahimik na kaming kumain pagkatapos.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon