Chapter 4

574 11 0
                                    

I noticed friend requests on my FB later that night. I don't know them but their faces looked familiar. Who are these people? Kahit sino-sino na lang nag-a-add sakin.

I scrolled down instead. OMG! One of them was Will Bailey!

Dinala ko ang laptop sa bed at umayos ng upo.

I clicked Accept. There! We're now friends.

"Hi!" He messaged me. He's online.

"Hello." I replied.

"Can I ask you something?" Siya.

"Sure, what is it?"

"Can I invite you for dinner tomorrow?"

"Sorry. Hindi ako pwede sa gabi...my dad's so strict!" Sabi ko.

Gosh, nagsisi ko sa sinabi ko. Dapat di ko agad binara. Baka mawalan siya ng gana. No reply eh.

"But lunch will be fine." I added afterwards.

OMG! Napahiga ako sa kama. Nakakahiya. Do I look desperate? Siya naman nag-invite di ba. I'm just suggesting...

Maya-maya ay nag message uli siya.

"Lunch then...😉." Aniya.

Yes!! Muntik na akong mapatalon sa tuwa. I'm overjoyed.

"Ok, see you." Ako.

"Yah. See you!"

Kinilig ako ng todo. I'm super excited. Will Bailey. Mapapasakamay din kita. Hahaha.

"Girls, dun na tayo mag lunch sa Deans cafe. Maingay sa canteen." Si Anton. Kakatapos lang ng last subject namin sa morning class.

"Kayo na lang ni Mandy...di muna ako makakasama sa inyo ngayon. " sabi ko na nahihiya.

Pareho silang napatingin sa akin ng may pagtataka.

Iniiwas ko ang tingin sa labas ng classroom, parang may komosyon kasi dun. Ang ingay ng mga kaklase kong babae.

Naglakad kami palabas ng classroom para malaman kung anong pinagkakaguluhan nila.

My heart suddenly stopped when I saw Will. He's waiting outside. Nakayuko siya na nakapamulsa ang dalawang kamay. He always does that. I wonder what's in his pocket.

"OMG!" Narinig kong sabi ni Anton. Si Will pala ang pinagkakaguluhan. Sobrang gwapo kasi nito kahit naka uniporme.

Umangat ang tingin ni Will at nagsalubong ang mga mata namin. Ngumiti siya ng makita ako at umayos ng tayo.

"Bella???" Si Mandy na nagtatanong ang mga mata pero may pilyang ngiti sa mga labi. Si Anton naman ay panay ang senyas.

"Saka ko na ipapaliwanag ok..." bulong ko sa kanila.

"Let's go?" Binalingan ko si Will at ngumiti.

Nilingon ko ang dalawa na naka ok sign.

"Saan mo gustong kumain?" Aniya.

"Pwede bang sa canteen na lang? Kasi I was homeschooled since grade school, ngayon ko pa lang mararanasan kumain sa canteen. " nahihiyang sabi ko. I sounded ridiculous.

He looked at me in amusement. He is grinning. But he agreed anyway.

"Sige, matagal na rin akong hindi kumakain sa canteen eh. Nakakamiss din kumain dun..." aniya.

Nakakailang ang mga tingin na ipinupukol ng mga nakakakita sa amin ni Will. Yung mga babae ay ang sama ng tingin sa akin. Well, mainggit na sila, wala akong pakialam.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon