Chapter 13

388 8 0
                                    

Sumilip ako sa bintana. I saw Will's car na naka park sa harap ng kalsada. He texted me na nasa labas na raw siya. He's 30 minutes early.

I already texted Mandy na hindi ako makakasabay sa kanila ni Luke, but I didn't told her the reason. Mamaya ko na ikukwento.

Nagmamadali akong naligo at nagbihis. 6:30 bumababa si dad para mag breakfast. Dapat 6:00 am nakaalis na ako. Ayokong magpang-abot kami.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Mabuti at walang tao sa sala. Sinilip ko si yaya Myrna na nasa kitchen para magpaalam.

"Sa school na ako mag-breakfast." I told her.

"Maaga pa ah, sinong maghahatid sa'yo?" Nag-aalalang sabi nito.

"May taxi ng nag-aabang sa labas..." sabi ko na lang at nagmamadaling umalis para makaiwas sa mga tanong niya.

"Ok cge... itext mo ang plate number ng taxi ha?!" Narinig kong pahabol ni yaya.

Medyo naalimpungatan si Will ng biglang bumukas ang shot gun seat ng sasakyan nito. Nakaidlip yata. Sobrang aga naman kasi niya pumunta.

"Belle!"

"Hi!" Nahihiyang sabi ko.

"H-hi..." he said mesmerized. Nakatanga lang siya sa akin pero nakangiti. Nakakabighani talaga siguro ang ganda ko. Charot!

"Hi!" Ako uli.

"Hi..." siya.

"Ganito na lang ba tayo buong umaga?" Himig tukso ko sa kanya. Para naman siyang bumalik sa huwisyo.

"Oh...S-sorry..." anito na pinaandar ang makina ng sasakyan.

Tahimik kaming bumaybay sa kalsada. Pinasadahan ko ng tingin si Will. Mahaba ang mga pilik-mata, makapal ang kilay, matangos ang nose, red kissable lips, isama pa ang mga gray eyes na nanunoot kung tumingin. Magulo ang medyo wavy nitong blonde hair na bagay naman rito.

I always like the boy next door types. Madalas namin itong pagtalunan ni Mandy. She liked the hunky and badass types and she hated me for liking Justin Beiber. Bakit ba? Nagagwapuhan ako dun eh. I like blondes like the Riverdale's actor playing Archie, Niall Horan of 1D, Paul Walker, the Hemsworth brothers, Zac Effron...etc.

Napangiti si Will na napasulyap sa akin. Nag-iwas agad ako ng tingin.

"Hmmm... Belle?

"Uh-huh?" Sa kalsada pa rin ako nakatingin.

"Seryoso ka ba sa sinabi mo kagabi?"

"Uh-huh." Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.

Napapikit ako ng itabi at ihimpil ni Will ang kotse nito sa gilid ng kalsada.

Eto na talaga. Kanina pa talaga ako kinakabahan. I don't know what to do. It seems to be the most awkward thing in the world.
Ano ba dapat gagawin?

I felt his hands on my cheeks making me face him. He was smiling. I blushed. Hindi ako makatingin sa kanya. Nahihiya ako eh.

Umiwas akong mapatingin sa mga mata niya. Is he gonna kiss me na? Agad-agad? Ambilis naman yata. My heart beat faster.

I heard him chuckle.

"You're so cute...you know that?"

"I know that...bakit ka nakangiti jan?" Ako na nahihiya.

"Wala... I'm just so happy. Halika nga rito...pa-hug na lang..." anito sa akin.

Lumapit naman ako ng kaunti and he gave me a warm bear hug.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon