Book 2.4

432 7 1
                                    


Napa-eyeroll ako habang nakikinig kay Mandy habang kausap si Anton sa telepono.

"My labs...no drinking, no smoking, no strippers ah? Kuuu...pag nabalitaan ko lang lagot ka sa akin!" Paulit-ulit na lang ang mga paalala nito.

Hindi ko na natiis. Inagaw ko nga ang cellphone.

"Hello Anton? Enjoy your stag party!
Huling pagkakataon mo na ito bilang single kaya gawin mo na lahat ng gusto mo.... yeah...akong bahala kay Mandy!!! No problem!"

"Thank you Belle.." sabi nito sa kabilang linya.

Nakangising ini-off ko ang phone.

"Seriously? Besh?" Nakabusangot na sabi nito.

Narinig kong napahagikhik ang mga kasama namin sa hotel room.

We're all 15 ladies in the room, lima sa kanila ay kakilala ko na rin dahil naging friends na namin sila ni Mandy simula pagkabata.

Yung 5 ay kapatid ni Anton at yung 5 ay mga ka-officemate ni Mandy na kaibigan niya rin.

Meron din kaming sariling Bachelorette Party.

"Tsss. Mandy!!! What do you think they'll gonna do huh? Mag-rorosaryo buong gabi?" Sabi ko kay Mandy.

"Oo nga naman Mandy, wala ka bang tiwala kay Anton... ang laki ng pinagbago nun dahil sa'yo... "nakangising sabi ni Almira, ang isa sa mga kapatid ni Anton.

Napabuntong-hininga si Mandy. Napatingin sa mga kasamahan namin na nagsipag-agree naman sa akin.

"So what do we do now?" Anito.

"There's a bar on the 4th floor, I've made some reservations in one of their VIP rooms. So why don't we head there now and PARTTEYYYY!!! " excited na sabi ko sa kanila.

The girls shouted in unison! "Yes!!!"

Nagmamadali kaming pumunta dun.

Nung makapasok kami sa VIP room ay nakahanda na ang mga drinks.

There's even a topless hunky barista available in the room to serve us.

"Whoooaaaa!!!" Shouted the ladies.

"Did you plan all these? Baka magalit si Anton pag nalamang may lalaki dito?" Bulong ni Mandy sa akin.

"I have no idea about the macho barista...I just told them it was a bachelorette party, maybe kasama sa package..." mahinang sagot ko sa kanya.

Nagpatangu-tango naman si Mandy.

"Who's the lucky bride?" Tanong nito sa baritonong boses. He's cute tho.

Itinuro namin si Mandy na biglang kinabahan.
Napuno siya ng kantyaw.

We watch him as he gracefully performed the flip and juggle of a bottle while slowly grinding in front of Mandy. Sinayaw-sayawan nito si Mandy na nakaupo sa isang stool.

We are all screaming and shouting.
Ang galing, may pakain-kain pa ng apoy.

He then gave the drink he made to Mandy.

"Who's next?!" Tanong nito.

"Hey, tell us your name first.." sigaw ni
Cynthia. Ang isang ka-officemate ni Mandy.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon