Chapter 12

445 7 0
                                    


"Sorry girl, hindi kita masamahan manood ng basketball ngayon. May lakad kami ni mama eh. Pinauuwi ako ng maaga." Hinging paumanhin ni Anton.

Napanguso ako. "Ano pa nga ba magagawa ko? Solo flight ako ngayon... nakaka-sad...huhuhu!"

"I know... kaya mo yan girl. Isipin mo na lang na nandidito lang ako lagi sa tabi mo..." pagdadrama din nito.

"Di bale, andun naman si Will." Ako.

"And don't forget Luke.... Bye girl!" Anito. Nag beso-beso kami at nagpaalam na rin siya.

Naglakad ako ng malamya papuntang gym. Hindi masyadong matao ang papuntang gym ng school. Malayo pa lang ay naririnig ko na ang tunog ng mga goma ng sapatos at pagtalbog ng mga bola.

Nakita ko sa may di kalayuan sa labas ng gym ang mga BIC cheer squad. Nakatambay sila roon at nagtatawanan.

Naisip kong umatras at bumalik sa pinanggalingan ko dahil iniisip ko na baka ma-bully ako.

Tatambay na lang ako sa library o di kaya sa canteen. Pero it's too late. Nina saw me. Their eyes fixated on me at tumigil sila sa tsismisan.

Nagsitayuan sila at humarang sa dadaanan ko. Oh boy!

"Well, well, well... look who we have here..." ani Nina.

What a cliche! Ilang beses ko na kayang naririnig ang linyang yan sa mga kontrabida sa movies. Wala na bang iba? Napaismid ako.

Relax lang Bella! Nag-iisa ka pa naman. Ngumiti ako sa kanila.

"Hi girls! What's up!"
I said plastic-ly... lols!

"What happened with Adam? Anong sinabi mo sa kanya? Ha? Bakit mo siya napapayag sumama sa'yo? Did you offer yourself to him?" Sunod-sunod na tanong ni Nina.

Her friends were all ears. Naka-halukipkip pa silang lahat except for Nina na naka-pamewang.

"Teka-teka... Chillax girl...isa-isa lang, mahina ang kalaban..." I chuckled.

"Gaya nga ng sinabi ko, na iuuwi ko siya, so I invited him at home... pumayag naman siya. Ganun lang kasimple..."

"You're impossible!" Bulalas ni Nina.

"Sinungaling!" Si Courtney.

"Hey! Look, hindi ako nagsisinungaling ha! Kung tutuusin ako pa ang nanalo sa pustahan. You should be my slave now Nina! Remember?" Kalmadong saad ko kay Nina na medyo nagulat.

Napatingin sina Courtney kay Nina.

"Well, that slave-thing no longer stands... because you cheated! I don't know what you did but I know you cheated!" Taas-noong sabi ni Nina.

Nakatitig lang ako sa maarkong kilay niya. She looked like Ellen Adarna plus 7 inches in height. Maganda sana pero maldita.

"Ok...I don't need a slave anyway, especially if it's you.." I shrugged.

Nagpanting ang tenga ni Nina.

"You! Anong ibig mong sabihin niyan ha?" Lumakas ang boses niya.

"Just let me pass..." Iwas ko, pero mas lalo nilang tinakpan ang dadaanan ko. Pinalibutan na nila ako.

"Stop bothering her girls!"

Me narinig akong boses kaya napalingon kaming lahat dun.

It's Adam.

Nakatayo ito at nakapamulsa ang dalawang kamay. May nakasukbit na gitara sa likuran nito.

Para akong nakakita ng kakampi at biglang tumakbo at napatago sa likuran ni Adam.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon