Championship game.
Simula nung mag-reply ako ng "k" kay Will ay hindi na siya nag text or call.
Not that I'm expecting or anything.
Nagwo-worry lang ako na baka nagalit siya tapos i-leak niya yung photos namin. OMG!
I decided to text him.
Me: Goodluck sa game! Aja!☺️
Nilagyan ko ng smiley para cute.
Hindi niya alam na manonood ako ngayon.Kinabahan ako dahil hindi talaga nag-reply hanggang makarating kami ng MOA nina Mandy. Inihatid kami ni kuya Nestor tapos sabi ko mag-taxi na lang kami pauwi dahil hindi ko sure kung anong oras kami uuwi dahil baka maisipan pa naming mag-malling.
Pagkarating namin dun ay naghihintay na si Anton. Di maipinta ang mukha nito na nagpapaypay sa labas.
Mainit kasi at siksikan ang mga pumapasok, andami ding mga taga BIC na nakasuot ng sky blue shirt."Girls...medyo punuan na sa loob. Ang tagal niyo kasi eh. Andun na si Luke at Mariz, ipinag-reserve tayo ng mauupuan... tara na. Yung mga tickets niyo ah ihanda niyo..." ani Anton na nagpatiunang naglakad.
Nanood din sina Luke? Tadhana ng naman, iniiwasan ko na nga, lagi naman kaming nagkikita.
'I don't wanna see you or come near me ever again.'
I don't wanna see you or come near me ever again.'
I don't wanna see you or come near me ever again.'Parang nag-rereplay ang boses ni Luke sa isip ko.
Napahinto ako sa paglalakad at binitawan ang kamay ni Mandy na nakahawak sa akin.
Nagtatakang napalingon si Mandy na nakakunot-noo.
"Bakit Besh?" Anito.
Napahinto din si Anton.
"Kayo na lang ang maupo dun, maghahanap na lang ako ng ibang mauupuan." Sabi ko.
"Ha?" Nagulat ang mukha ng dalawa.
"Sige na mauna na kayo. I just don't wanna be near Luke! Magte-text na lang ako mamaya kung san tayo magkita ok?"
Wala silang nagawa ng talikuran ko sila at nagmamadaling sumuot sa mga kumpulan ng mga tao at lumabas ng MOA.
Mamaya na ako papasok. Tatambay muna ako sa labas ng mall. Nakiupo ako dun sa mga bakanteng upuan sa labas ng mga restaurant.
Nawili ako sa kakanood sa dalawang batang naglalaro.Maya-maya ay may bulto na humarang sa paningin ko kaya nag-angat ako ng ulo.
Si Luke. Napanganga ako ng hablutin niya ang kamay ko at hilahin palakad pabalik ng MOA.
Ang gwapo niya sa suot na dark blue fitted shirt at naka red cap.Maraming napapalingong mga babae rito.
Kala siguro nila artista.No words.
Walang sali-salita.
Our fingers intertwined habang hila niya ako.
Nararamdaman ko ang mahinang pagpisil niya sa kamay ko.
Hindi niya ako tinitingnan pero nararamdaman ko ang init ng kamay niya na dumaloy sa buong katawan ko.
Bumilis ang pintig ng puso ko at parang nag-slow-mo ang paligid.
Nakatitig lang ako sa kanya at gusto ko siyang yakapin. Napatingin ako sa red lips niya na masarap halikan. Grrr! Ang swerte ni Mariz!
Ang hirap at ang sakit.
Hawak mo nga sa kamay pero taken naman.
Ano kayang feeling na maging girlfriend ni Luke? Siguro pag ako yun lagi akong magpapayakap. Landi lang teh!
BINABASA MO ANG
That Kind of LOVE (COMPLETED)
General FictionSi Luke ay walang ginawa kundi asarin at awayin si Bella. Magagawa niya pa kayang asarin ito kapag nainlab na ito ng husto kay Will? ================================ Authors NOTE: Pasensiya na sa wrong grammmar and stuff. Constructive criticisms ar...