Chapter 25

447 6 0
                                    

(Bella's POV)

Grrrrr! Hindi successful ang plano ko. Kaloka!
Nagngingitngit na bumalik na lang ako sa school.

Try again next time Bella. Try and try until you die. By hook or by crook dapat mapaghiwalay mo ang dalawang iyon.

Habang pinatatagal ay mas nagiging delikado. Baka mas lumalim pa ang samahan ni Luke at Mariz.

Pupunta pa ako sa WCC, ung club na pinasukan ko, may meeting  kasi kami ngayon.

Sumaglit lang naman ako dun sa coffee shop na iyon dahil sinabi ni Stephen na dun raw nagkikita sina Luke at Mariz.

Maasahan talaga itong si Stephen. Bodyguard na, detective pa.

Sina Anton at Mandy naman ay nanood uli ng basketball. Semi-finals na kasi kaya maganda na ang laro.

I wish na sana ay makapasok sina Will sa final game. Iniisip ko na manonood na ako ng Finals kapag nanalo sila ngayon.

Pumasok ako sa isang classroom. Dun daw kasi ang meeting place namin sa Club. Nakita ko agad si Arnie na nasa harapan
na agad akong kinawayan. Pinaypayan niya ako dun sa bakanteng upuan sa tabi niya. Lumapit naman ako at naupo roon.

Nagpalinga-linga ako, kulang-kulang sa dalawampu lang kami dun.

"Tayo lang?" Bulong ko kay Arnie.

"Oo eh, wala talaga gaanong sumasali sa ganito, people find it boring..." malungkot na sabi ni Arnie.

Boring? Boring ba tumulong sa kapwa?
I should have invited Mandy and Anton para madagdagan kami, I totally forgot. Ipapa-join ko din sila rito, kakausapin ko sila.

"Bakit di pa nagsisimula ang meeting? May inaantay pa ba tayo?" Mahinang tanong ko.

"Oo, si Kyle, yung president ng club. Parating na. Siya magpe-preside..." sagot ni Arnie na parang natuwa.

Maya-maya ay nanlaki ang mata ko ng pumasok ang isang ubod ng gwapong lalaki. Sobrang neat at clean at mukhang mabango. Mahilig pa naman ako sa mga mababango.

Haha! Siya ba si Kyle? Nakangiti ito sa aming lahat.

"Hi guys, sorry to keep you waiting. Sobrang busy lang talaga." Anito.

Nagtama ang paningin namin dahil nasa harapan lang ako.

Para akong kinilig. Luh! Ang landi mo talaga Bella!

"I see, there are new faces here, so from 15 heads before, nadagdagan tayo ng tatlo... it's a good thing right?" Anito sa grupo na natatawa.

Natawa naman yung mga nasa room including Arnie.

"Para sa mga hindi nakakakilala sa akin, I'm Kyle Andrei Barromeda, soon to be Dr. Kyle... I'm the president of this Club... blah-blah-blah..." pagpapakilala nito tapos inexplain nito kung paano nagsimula ang club. 

He is med student dito sa BIC tapos ngayon ay  resident doctor na siya sa isang kilalang Hospital. Minsanan lang daw namin siyang makikita dahil sa sobrang hectic ng schedule nito. He assigned Arnie to lead the group.

Bale, twice a month yung schedule naming activity sa labas ng school na itinaon na Saturday. Gusto sana nitong gawing weekly kaya lang di talaga kaya ng schedule niya.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon