Chapter 11

462 12 1
                                    

(Taylor Hill as Bella)

Brrrrrrr!

Nag-vibrate ang phone ko sa bedside table kaya nagising ako.

Kinuha ko iyon.

Will: Good morning pretty! ;)

Napangiti ako. Hindi ko agad iyon rereplyan. Dapat ganun. Huwag kang pahalata na atat na atat ka. Maliligo na muna ako.

Tumayo ako at nag-shower.

Nung pababa na ako para mag breakfast ay may naalala ako.

Me: Good morning too. Now ko lang nabasa ang msg mo. See u in school. ;)

Ahihihi. Subtle moves dapat di ba. Para hindi halata.

Nauna na si dad sa table at hinihintay na ako for breakfast. He's reading the news.

"Morning dad!" Sabay kiss sa pisngi niya.

"Morning princess..." anito.

"Dad, excited ka na ba sa Sabado?" Himig tukso ko. Ikakasal na siya sa Saturday.

He only winked at me. His mouth is full.

Napangisi ako.

After their wedding, pupunta sila ni tita E. sa Europe for their honeymoon. For a month!!!! Wohooo!

I'm so excited and I can't wait for them to leave! Magpapa-party talaga ako.

"What are you smiling at?" Sita ni dad sa akin.

"I'm just so happy for you dad!" Sagot ko sa kanya na nakangiti.

"Thank you anak!" Anito na mataman akong tiningnan.

"Why?" Tanong ko sa pagtingin niya. Akala ko may dumi ako sa mukha.

"Ikaw ba talaga yan Isabella?" Sinipat niya akong mabuti.

"Yaya Myrna? Asan si Bella?!!" Sigaw nito.

Humahangos na lumabas naman si yaya Myrna mula sa kitchen.

"Ha-ha-ha ang korni mo dad!" Natampal ko siya sa braso.
Napahalakhak naman ito.

"Ay! Kala ko kung ano na!" Reklamo ni yaya Myrna at inirapan kami. Bumalik uli ito sa kitchen.

Narinig ko ang silbato ng sasakyan ni Luke. Memorize ko na ang tunog nun.

"Anjan na sila dad.... gotta go."
Nagmamadali kung kinuha ang mga gamit ko at humalik sa pisngi ni dad.

"Ingat!!!" Anito na sinundan ako ng tingin.

"O, bakit ikaw lang? Asan si Mandy?" Tanong ko ng mapansing nag-iisa si Luke sa loob ng sasakyan.

"May dysmenorrhea, ayaw pumasok. Dito ka sa harap." Anito.

Lumigid ako sa may passenger's seat.

Maganda ang mood ko today kaya hiniling ko na wag na wag niya akong asarin.

Sumulyap ako kay Luke, mukhang good mood din ito. Pangiti-ngiti pa ito habang nag-da-drive.

"Pa-music naman tayo..." sabi ko sa kanya na inabot ang car stereo at naghanap ng magandang mapapakinggan sa FM station.

Sobrang tahimik kasi sa loob ng sasakyan.

"Here..." napatingin ako sa hawak niyang USB.

Siya mismo ang nagsaksak nun sa USB port ng stereo. Maya-maya ay pumailanlang ang tunog ng gitara.

You make me go crazy,
you make me smile,
You make me laugh,
You make me sad...
And you're all I ever want,

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon