Chapter 26

413 7 4
                                    


"Give it up besh...hayaan mo na kaya si kuya Luke. Mukhang masaya naman yun kay Mariz." Ani Mandy.

"Mandy, I told you, Luke's in denial. Ako ang mahal nun...hindi naman siya masaya kay Mariz." Napasimangot ako.

Nakamata lang si Mandy sa akin. Parang nagdadalawang-isip.

"Tulungan mo na lang ako, last na talaga ito... kapag hindi ito naging successful, titigil na ako." Sabi ko pa.

"Natatakot ako kay kuya, baka pag nalaman niyang magkasabwat tayo eh sasabunin na naman ako nun." Ani Mandy.

"Don't worry! I won't tell, this is all on me." Paninigurado ko.

"Sige na nga... kung di lang kita kaibigan eh...sure ka ba talaga na love mo si kuya, baka mamaya pinaglalaruan mo lang siya ah." Ani Mandy.

"Sure na sure na besh, maniwala ka, love na love ko talaga siya." Sabi ko.

Kinakabahan ako sa plano ko. Gagapangin ko lang naman ngayong gabi si Luke. Hahaha!

Siyempre kapag tulog naman siya no saka ako papasok sa kwarto niya. Kukunan ko lang ng pic na magkatabi kami sa kama.

With the help of Mandy of course. Tapos, isi-send ko kay Mariz anonymously. Tingnan ko lang kung hindi sila maghihiwalay.

Nagkataon namang bumiyahe sina tito at tita kaya sina Mandy lang at Luke ang nasa bahay ngayon.

Nagpaalam din ako kina dad na mag-sleepover kay Mandy dahil may tatapusin kuno kaming project. Pumayag naman agad ito.

Luke didn't know I was on Mandy's room. Hindi na rin kasi ito lumabas ng kwarto pagkadating ng bahay. Nag-dinner na siguro with Mariz. Napaismid ako sa isiping iyun.

It's 11:00 midnight. I'm sure tulog na si Luke.
Dahan-dahan kaming lumabas ni Mandy ng room niya.

"Wait Belle, pwede bang ikaw na lang ang mag video, kinakabahan talaga ako eh... natatae na ako." Bulong ni Mandy.

"Luh?! Natutulog nga kami eh, may nagvi-video bang tulog?" Bulong ko din.

"Ipatong mo na lang sa mesa, hanapan mo ng angle, tapos I-edit na lang natin pagkatapos.. sige na pumasok ka na, magbabanyo lang ako." Anito ng pabulong. Parang taeng-tae na ito.

Kuuuu!!! Kung kelan naman...hmmmp!

"Sige, pero balik ka rin agad ha, sumunod ka!" Angil ko.

"Oo na!" Anito na nagmamadaling bumalik sa kwarto niya.

Dahan-dahan kong pinihit ang knob ng kwarto ni Luke. Mabuti't bukas iyon.

Tulog na tulog si Luke at naghihilik pa. Nakadapa ito sa kama na walang suot pang-itaas. Nakatabon naman ito ng kumot hanggang bewang.

Napalunok ako. Gusto kong umatras.
Huwag kang kabahan.
Si Luke lang naman ito. Sabi ko sa sarili.

Mas lalo akong kinabahan. Malakas ang tibok ng puso ko na tinanggal ang suot kong robe. Tanging ang manipis na nighties lang ang suot ko. Naka-panty naman ako pero wala akong bra. Hindi naman halata.

Tanging lampshade lang ang nagsisilbing ilaw sa buong kwarto.

Sinet-up ko ang videocam sa side table ng bed yung kitang-kita ang buong kama.

Naglakad ako palapit sa kama, pumasok ako sa kumot at nahiga sa tabi ni Luke.

Muntik na akong napasigaw ng biglang gumalaw si Luke paharap sa akin at yakapin akong parang unan.

Yung mukha niya ay malapit na sa mukha ko. I froze. Hindi ako makagalaw dahil baka magising siya.

"Bella...." narinig kong anas ni Luke na nakapikit.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon