Chapter 16

455 6 0
                                    

"You guys gonna be ok?" Sabi ni dad na nakaakbay kay tita mom. They're all prepped and ready para sa honeymoon nila sa Europe.

"Yeah.." panabay na wika namin ni Adam.

"Don't worry about us dad... we'll be fine!" Ako.

"Adam...remember what I told you." Paalala ni dad.

"Yeah, yeah... watch over Belle." punong-puno ng sarcasm ang pagkakasabi nito.

Natawa naman si tita mom.

"Be nice to Belle Adam ok?" Malambing na sabi nito kay Adam.

Humarap ito kay dad at kinurot ito sa tagiliran.

"And you!! Stop treating Belle like a child. Dalaga na yang anak mo, hayaan mo ng mag-enjoy naman." Galit-galitan ni tita mom kay dad.

Napangisi ako kay dad at nagpapasalamat ang mga matang tumingin ako kay tita. She winked at me.

"Sige na dad, umalis na kayo, mamaya maiwan kayo ng eroplano!" Sabi ko kay dad.

He looked at tita mom.

"Ok, oo nga... come here kids! Group hug muna tayo." He said. Napilitan kaming lumapit ni Adam.

Niyakap niya kaming lahat. Corny ni dad. Hindi pa sila umaalis pero nami-miss ko na sila.

Nag-babay kami hanggang mawala sa paningin namin ang sasakyan. Napabuntong-hininga ako.

Nilingon ko si Adam na nakatingin pala sa akin.

"What?!" Asik ko.

He didn't say a word. Seryosong itinaas niya ang dalawang daliri na itinuro sa mga mata niya at itinuro din ito sa akin.

(I'll be watching you--- yun ang ibig sabihin)
Tinalikuran niya na ako at pumasok na sa bahay.

Naiwan akong nakanganga. Aba't!



================================

I woke up smiling! It's gonna be a beautiful day!

Pagkatapos ng klase mamaya aayain ko sina Mandy na mag-malling. Syempre kasama si Will. Manood kaya kami ng sine? Mag arcade? Then on weekend mag Star City, or Enchanted Kingdom kaya?

Aayain ko si Will na mag-date. Ay no, dapat siya ang mag-aya. I want to experience dating. I want to experience the bf-gf life.

I have so many things in my mind at hindi ko alam kung anong uunahin.

Get a grip Belle! Pag-aaral muna ang unahin mo! Saway ng isip ko.

I went to the bathroom to take a shower.

Pagbaba ko ay nasa hapag-kainan na si Adam.

Wala kaming imikan na kumain.

"Ang tahimik naman dito...parang walang tao..." narinig kong reklamo ni yaya Myrna.

Paepal talaga itong si yaya minsan. Dineadma lang namin siya.

Maya-maya...

"Have you checked your fb?" Ani Adam.

"No. Why?" Ako.

Hindi ako nakapag-online kagabi dahil nanood ako ng Gossip Girl. I stayed up late at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Kibit-balikat lang ang sagot nito na ipinagpatuloy lang ang pagkain.

Walang kwentang kausap ang taong ito.
Ano bang meron sa FB?

Kay Adam na nga pala ako sasabay simula ngayon. Siya na rin ang kasabay ko pauwi. Hmmm? May bago na akong kukulitin. Humanda!

When we arrived at school, everyone was looking at me like I'm some kind of a celebrity.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon