Nakita ko si Will with Nina na nag-uusap sa hallway.
Hindi na ako pinagsusupladahan ni Nina these days. She got these mabait look on her face pag nakikita ako.
Will's face lit up when he saw me. May usapan kasi kaming mag-lunch sa Dean's cafe.
Si Anton at Mandy naman ay piniling sa canteen. Ayaw daw muna nilang makaistorbo sa amin ni Will ngayon. Nagdududa na talaga ako sa dalawang yun. Super close na sila.
"Hi gf!" Malapad na ngiting sabi nito.
"Hi Belle..." bati ni Nina na nakangiti. Ngumiti din ako sa kanya ng totoo.
"Bye buds!!" Paalam nito kay Will giving him a small jab on the arm.
"Una na'ko Belle..ingatan mo tong unggoy na'to, sumbong mo sa akin kapag nagloko at bubugbugin ko...." baling nito sa akin na nagbibiro at nakangiti pero parang malungkot ang mga mata.
I chuckled... pero hanggang lalamunan lang.
I can feel her pain. Hindi ako manhid.Gosh. She's in love with Will, her bestfriend, and he seems oblivious about it.
"Hey! What are you thinking?!" Will snapped his fingers.
Nakaalis na pala si Nina.
"Bakit hindi mo na lang siya sinama. Kakain lang naman tayo ah..." tukoy ko kay Nina.
Nakakaawa naman kasi.
"Ano ka?! Ngayon na nga lang kita maso-solo..." pinandilatan niya ako ng mata, tapos inakbayan.
Oo nga naman. Simula nung nag cutting class kami at nung gabing nanggaling kami sa kanila, ay wala ng pagkakataong magkasama kami na kaming dalawa lang. Lagi na naming kasabay si Mandy at Anton sa mga lakad namin.
"Hmmm what do you want?" Tanong ni Will na nakatingin sa menu ng Deans cafe.
"I'll have creamy Alfredo fettuccine... and avocado shake." Ako.
"Make that two Alfredo fettuccine, avocado shake for my girl and one mango shake..." nakangiting wika ni Will na kumindat pa sa waitress na halatang kilig na kilig sa kanya.
Anlandi. Napasimangot ako.
"Uyy! Selos!" Nakangising sabi ni Will na hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Hinda ah..." umiwas ako ng mukha. Hindi naman talaga ako nagseselos.
Bored lang.
Napatingin ako sa pinto ng cafe ng may pumasok. Ang hunk nung guy tapos ang ganda nung girl. Parang contestant sa Miss World.
They were laughing as they entered the cafe.
I felt something heavy on my chest. Nanikip ang dibdib ko. I don't know what it is.
Nakapag-move-on na agad si Luke?
Napapatingin sa kanila ang iilang kumakain dun. They're quite a pair kasi.
"Oh shoot!" Narinig kong sabi ni Will.
Of all the places dito pa sila magpang-abot ni Luke. Na-tensed ako. Baka mag-away uli ang dalawang 'to.
"Who's she?" Di ko napigilang sambitin.
"She's Mariz, the supermodel nursing student... Luke's one lucky guy!" Ani Will.
Pinandilatan ko siya ng mata.
"Bakit mo siya kilala ha?!" Angil ko.
Napangisi naman ito.
BINABASA MO ANG
That Kind of LOVE (COMPLETED)
General FictionSi Luke ay walang ginawa kundi asarin at awayin si Bella. Magagawa niya pa kayang asarin ito kapag nainlab na ito ng husto kay Will? ================================ Authors NOTE: Pasensiya na sa wrong grammmar and stuff. Constructive criticisms ar...