Book 2.6

354 8 0
                                    

"Bye! See you tomorrow ok? I still have to talk to mom and dad." Ani Will na kinintalan uli ako ng halik sa labi.

Inihatid ko siya sa labas after that steamy moment in the rooftop.

Sabi niya ay isasama niya ang mga magulang niya sa bahay para pormal na hingin ang mga kamay ko kina dad.

"Mag-iingat ka ok?" I can't seem to let go of him. Ayoko ng mahiwalay sa kanya.

"I love you so much baby!" He kissed me again.

"I love you too..." ako. Kiss.

"I love you more..." si Will. Kiss.

"I love you most..." ako. Kiss.

"I love you forever..." si Will. Kiss.

"I love you to the moon and back..." ako. Kiss.

"I love you to infinity and beyond..." si Will. Kiss.

"Sige na nga...umalis ka na baka mamaya hindi na kita payagan." Inirapan ko siya.

Nakaharap siya sa akin habang paatras patungo sa kanyang sasakyan. Ayaw paghiwalayin ang tinginan namin. Muntik pa siyang matumba. Napahagikhik ako.

He waved and mouthed 'I love you' before entering his car. Nag-flying kiss naman ako sa kanya. He honked his car before driving away.
Sinundan ko ng tingin ang sasakyan niya hanggang di ko na siya makita.

I decided to go inside the reception hall. Medyo kakaunti na lang ang mga bisita, nagsi-uwian na ang iba.  Mga kakilala na lang halos ang natitira.

"Bella!!! I'm glad you're here, I've been looking all over for you...where did you go?" ani tita mom.

"Nagpahangin lang tita..." pagsisinungaling ko.

"Hinahanap ka na nila, tossing of bouquet na." Ani tita mom.

"Ok tita..." naglakad ako palapit sa harapan kung saan naroroon ang mga single ladies raw.

"Hi Belle!" Bati ni Mariz sa akin na katabi ko pala.

"Hi Mariz!" I smiled at her. Masaya ako ngayon eh.

"Ready na ha!?" Sigaw ni Mandy na sumulyap sa akin at kumindat bago tumalikod. Hawak nito sa kamay ang bouquet na ito-toss niya. Nakita kong nakahanda na ang mga ladies para mag-catch.

I really have no interest on bouquet catching. I don't believe in it. Yung sinasabi nilang susunod na ikakasal raw ang makakasalo nito? Tsss! Hindi talaga ako naniniwala sa mga pamahiin na yan!

Tinapon ni Mandy ang bouquet sa kabilang side, takbuhan ang mga babae dun.
It was only a decoy pala.
Nasa kay Mandy pa rin ang  bouquet nito. Nang itapon nito ang totoong bouquet ay walang ibang nakasalo kundi ako.

Nagulat ako!
Hindi ako makapaniwala na totoo pala.
Tama nga siguro ang bouquet.
Ako nga ang susunod na ikakasal.
I just got engaged!

Nagreklamo ang ibang friends namin ni Mandy, madaya raw.
May favoritism raw sabi nila.
Mandy just laughed at them.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon