Book 2.0

474 11 2
                                    

<Bella's POV>

Nagising ako na masakit ang ulo ko.
Hangover again. Tsss!
Hindi na ako nasanay.
Madaling araw na naman ako nakauwi kanina galing sa isang party.

Simula ng magtrabaho ako dito sa New York ay wala na akong ginawa kundi mag-party.

It's not that I like it.
I'm required to attend to it.

Wilhelmina Ford, the famous owner of Elite Ford Image Modelling Agency or EFIMA needs us to be there. Ito ang pinakasikat na agency sa modelling and fashion industry.

Mayroon siyang tatlong executive assistant at isa na ako dun. Tatlo-tatlo talaga dahil hindi kakayanin ng isa.
Mabuti na lang at tatlo kami dahil kung hindi baka matagal na akong namatay sa pagod.

Nung nag-apply ako sa EFIMA ay modelling talaga ang pinasukan ko. Gusto ko lang namang subukan pero nung nalaman kong may vacant position as executive assistant ay ito na agad ang inapplyan ko. Swerte namang natanggap ako.

As executive assistants, para kaming agents or scouts. Minsan naghahanap kami ng pwedeng maging models, madalas sila ang nag-aapply, kami ang sumasala kasama ni Wilhelmina.
We take care of the models, train them, teach them about the modelling industry.
Kami ang naghahanap ng potential buyers na kukuha sa kanila to model their products.
We book their fashion shows, tv appearances, magazines, etc.
Kami rin ang in-charge para komontak ng photographers, media, casting crews at marami pang iba.

Dahil sikat itong si Wilhelmina, kaliwa't kanan ang mga party invitations sa kanya. Mahilig din siyang magpa-party sa bahay niya at minsan kami ang napag-uutusang mangasiwa nito.

Ang maganda lang sa pagiging assistant niya ay nakakasama kami sa mga big events. Nakakahalubilo namin ang mga famous celebrities and personalities. We were always seated on frontrow seats on shows because we need to be always around him. Him. Yes. Wilhelmina is gay. Isa siyang party animal.

He is the perfect embodiment of Merryl Streep in the movie The Devil Wears Prada. Malakas makautos, kulang na lang pati paghinga niya ay kami ang gagawa para sa kanya.

Pasalamat na lang ako ngayon at dayoff ko at makakapagpahinga ng maayos.

Pero maaga pa rin akong nagigising dahil nasanay na ako maagang gumigising nung nag-aaral ako sa ibang bansa.

I stand up and put on a robe. Tiyak na sesermonan na naman ako ni Stephen.

Lumabas ako ng kwarto. Nakita ko siyang nagpapakain ng breakfast kay Kylie na nasa high chair. Saglit niya lang akong nilingon.

"Good morning!!" Bati ko sa kanila.

Uminom ako ng gamot para sa sakit ng ulo.

Nagbukas ako ng ref at kumuha ng gatas na nasa gallon. Nagsalin ako ng cereal sa isang bowl at nilagyan iyon ng gatas.

Lumapit ako sa mag-ama.

"Ma-ma..." tawag ni Kylie sa akin na nakangiti.

"Hi baby!!" I kissed her on the forehead.

Saglit na tinapunan ko ng tingin si Stephen na nakakunot ang noo.

Pagagalitan na naman ako nito kaya hinanda ko na ang tenga ko.

In 3, 2, 1...

"Late ka na namang umuwi! Di ba ilang beses ko ng sinabi sa'yo na wag kang iinom? You could be drugged... or raped. Hindi mo kilala ang mga nakakahalubilo mo. Kung ako sa'yo magre-resign na ako. Umuwi ka na ng Pilipinas...blah...blah...blah..." litanya ni Stephen.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon