Chapter 21

438 7 0
                                    

Monster high ang theme ng party ni Grace. Natuwa ito sa gift ko at agad na ginamit pang-litrato sa mga friends niya.
May magician na nagpe-perform sa mga bata at nagta-tattoo din.
Nandun din si Nina, of course. She's helping tita Clara (Will's mom) nung dumating ako.

"Need help tita?!" Tanong ko.

"Oh, we're ok Belle, andito naman si Nina. Just make yourself comfortable. " anito.

Nagkasya na lang akong manood sa magic show. Nag-enjoy naman ako.

"Hey..." napalingon ako ng my humapit sa bewang ko.

Si Will.

"Check this out..." anito na isa-isang binuksan ang itaas na buttons ng suot nitong polo.

OMG! Mag-i-strip naked si Will. Huwag naman dito, maraming bata.

"Liked it?" Nagtaas-baba pa ang kilay nito ng ipakita ang henna tattoo nito sa dibdib, nakasulat ang pangalan ko in calligraphy. Bella.

Shucks! Kala ko kung ano na. Tumango ako na napangiti.

"Ang sweet naman ng bf ko!!!" Sabi ko sa kanya at isa-isang isinara uli ang butones ng polo niya.

"Kain tayo uli... ?" Aya nito.

"Yoko na, di na nga ako makahinga sa sobrang kabusugan...." reklamo ko.

"Gusto mo ding magpa-tattoo?" Tanong ni Will.

"Sige." Masayang sabi ko.

"Natatanggal ba agad yan?" Tanong ko.

"Don't worry. Mga ilang days matatanggal na..." anito.

Lumapit kami dun sa naglalagay ng tattoo.
Ano kayang ipapalagay ko? Ano bang maganda? Nag-isip ako.

Hawak ni Will ang parang pointed na pen.

"Ikaw ang maglalagay?" Mangha kong tanong.

"Oo, madali lang naman to, san ka ba magpapa-tat?"

"Sa dibdib din sana..." biro ko kay Will.

Pinandilatan ako nito. Tinawanan ko lang siya.

Hinawakan niya ako sa pulsuhan.

"Dito na lang para laging nakikita... ano bang ipapalagay mo?" Anito na naghihintay.

Gusto kong batukan si Will, nagtatanong pa eh ang totoo yung pangalan din naman niya ang gusto niyang i-tat sakin.

"Ahmmm...yung initials na LMH na lang kaya..." ako na nakangisi.

"LMH? Anong ibig sabihin nun?" Naningkit ang mata nito.

"Lee Min Ho...hehehe.." sagot ko.

"Tsss!" Napasimangot si Will. Pero nagsimulang mag-lettering.

Pinanood ko siya sa ginagawa niya. Parang bracelet iyong tingnan sa kamay ko.

I don't want to lose this guy. Saksakan na ng gwapo ay sobrang bait pa. Ang haba pa ng pasensya niya sa akin. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Nararamdaman kong mahal na mahal niya ako. Wala na akong mahihiling pa sa isang ito. He's a catch already.

Pero there's something missing. Ako. Ako yata ang problema.

Hinipan nito ang tattoo ng matapos. Binasa ko ang sinulat niya.

'i Will love you' in cursive na maliit lang.
Big letter ang W sa will.
Ang cute. Nagustuhan ko.
Ngiting-ngiti ako habang binabasa yun.

"I Will love you?!" Binasa ko ng malakas ang nakasulat.

"Anong ibig sabihin nito Will?" Tanong ko sa kanya.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon